Mga Lumabag sa ECQ, Pinagtanim ng Gulay Bilang Parusa sa Katigasan ng Kanilang Ulo




Malapit ng matapos ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Region kung saan ito ay magtatapos sa April 30, 2020. Subalit napakarami pa ring mga tao ang matitigas ang mga ulo at hindi sumusunod sa mga patakaran ng ating gobyerno para sa kapakanaan ng lahat.

Kaya naman ang ilang mga autoridad ay nakaisip ng ilang paraan upang magtanda ang mga violators na ito na hindi mapirmi sa kanilang mga bahay at labas ng labas. 

Katulad na lamang ng mga pasaway sa syudad ng San Fernando Pampanga na lumabag sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine. 


Dahil sa katigasan ng ulo ng ibang mga tao na nahuli na nasa labas sa lugar ng San Fernando, nagpasya ang hepe ng City of San Fernando Police Station na si Colonel Paul Gamido na parusahan ang mga ito upang magtanda.




Imbes na body exercise o paglalakad ang kanilang parusa, minabuti ng hepe na bigyan ng leksyon ang mga ito sa pamamaraan na makakatulong sila sa kanilang bayan. Inutusan niya ang mga ito na magtanim na lamang ng mga gulay sa bukiran upang mas maging kapaki-pakinabang ang mga ito.


Sama-samang binigyan ng task ang mga nahuling walang suot na mga facemask, lumabas ng walang quarantine pass at nahuli dahil hindi tumupad sa curfew hours tuwing gabi.



Kaya naman sa ilalim ng araw ay nagtanim ang mga ito ng gulay habang nakasuot ng sumbrero panlaban sa araw, facemask at hiwa-hiwalay ang mga ito upang may social distancing pa rin. 


Maraming netizens ang natuwa sa ginawang parusa sa mga ito dahil matitigas ang kanilang mga ulo. Nararapat lamang raw na parusahan ang mga lumabag sa mga rules dahil kung hindi sila binigyan ng leksyon ay ipagpapatuloy nila ang katigasan ng kanilang mga ulo.


Nawa'y naging isang leksyon ito sa mga lumabag at nawa'y matuto na sila na sumunod sa ano mang batas o rules na ipinatupad dahil para sa kapakanan ito ng lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!