Mga Madre sa St. Paul of Chartres, Tulong tulong sa Paggawa ng DIY Face Shield Upang Maipamahagi sa Ating mga Frontliners




Halos lumipas na ng kalahating buwan ang ipinatupad na one month Enhanced Community Quarantine subalit hindi pa rin sapat ang mga naibigay na tulong ng ilang mga donate sa ating bansa dahil sa kakulangan ng mga equipment at materials kagaya ng mga facemasks, alcohol at PPE dahil dumarami na ang kaso sa bansa.

Kaya naman sa panahon na ito todo suporta ang simbahan at ang mga madre sa St. Paul of Chartres sa ating mga Frontliner Health Workers hindi lamang sa pagdadasal kung hindi pati na rin sa paggawa ng DIY face shield laban sa virus.

Tinatiyaga na gumawa ng mga madreng ito ng mga DIY face shield upang mayroong maipamahagi sa ating mga health workers na nakukulangan na sa sapat na proteksyon laban sa covid-19.




Ayon sa isang post ng SPCvocation o Sisters of St. Paul of Chartres, ibinahagi nila ang ilang mga larawan ng mga madre na tulong tulong na gumagawa ng face shield para sa ating mga kababayan.

“Love conquers all. Our sisters in the formation house,” ito ang caption ng nasabing post.

“In silence, we work together to support our frontliners whose bravery in facing the invisible enemy is beyond words. In prayer, we unite with the whole world in storming heaven to stop the spread of Covid-19,” dagdag sa caption ng Facebook post.


Ayon sakanila, ang importante ngayon ay ang paghingi ng tulong sa ating Panginoon upang matapos na ang sakuna na ating nararanasan ngayon.



“In sharing our time, talent and treasure, we heal as one.”

Sa post na ito, makikita ang mga madre na busy sa pag gawa at pagbusisi ng protective shield na siyang gawa sa mga plastic materials.


Maraming netizens ang natuwa sa mga madre at na-touch sa kanilang ginagawa upang makatulong sa mga frontliners. Isa lamang ang hiling ng mga madre sa St. Paul of Chartres, hiling nila na sana ay sabay sabay tayong magdasal sa ating Panginoon laban sa Covid1-19 dahil ang laban na ito ay hindi natin kakayanin mag-isa.


Magbalik loob sa Diyos at magdasal ng mataimtim kung saan punuin natin ng prayers ang langit upang mawala na ang virus na ito.

Saludo kami sainyo sisters! May Godbless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!