Mga Pasaway na Residente sa Bulacan, Nag-Parlor Games sa Kalye kahit ECQ!




Habang patuloy na ipinapatupad sa buong Pilipinas ang enhanced community quarantine, viral naman ngayon ang isang video kung saan naglalaro pa ng parlor games ang mga residente ng San Jose del Monte, Bulacan. Ang video na ibinahagi ng SJDM ay agad na nag-viral at umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa mga netizens.

Kuha ang video ni netizen Kenneth Caballe Rivera. Ayon sa post, nakuhanan ito nitong Marso 30, 2020 sa Phase 2, Pabahay 2000 Barangay Muzon CSJDM Bulacan. Umalma ang mga netizens dahil sa hindi pagsunod ng mga residente sa ipinatupad na enhanced community quarantine. 





Maraming nadismaya at nagalit dahil imbes na sumunod sila, ay nag-organisa pa sila ng palaro kung saan nagdulot ito ng kumpulan sa kalye. Halos araw-araw magmula ng magsimula ang lockdown ay nanawagan na ang mga otoridad at frontliners na kung maaari ay pumirmi lang sa kanilang bahay. 

Batay sa video, makikitang may paligsahan ng takbo sa kanilang kumunidad. Maririnig pa ang hiyawan at tawa ng mga residente na nagsasaya sa palaro. Imbes na pinapairal ngayon ang social distancing at pananatili sa loob ng bahay ay malinaw naman na nilabag ito ng nasabing lugar.

Comments

  1. So, what did the authorities do? That is a big gathering that one cannot just hide from the authorities. The organizers must own the responsibility on this offense.

    ReplyDelete
  2. At dpat gwin jan kpg mg lskit cla hyaan nlng jan s kalsada hanggang s mamatay pra alm nla tpoa isisi s pangulo mga gago ang utak..grabe mga pinoy

    ReplyDelete
  3. Ang may kahinaan jan ay ang LGU, pag ganyan pananagutin jan ang authoridad ano ba ang action ginawa nila.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!