Money Heist Inspired na PPE, Gawa ng Isang Fashion Designer sa Ilo-ilo Para sa mga Frontliners
Nag-viral kamakailan ang mga Frontliner Health Workers na ito na nakasuot ng Money Heist Costume habang nasa Duty sa ospital na naging patok sa mga netizens dahil sa kilalang Spanish Television series na ito kung saan dito nila ibinase ang design ng kanilang PPE.
Ang Salvador Dali Masks at Red jumpsuits ay ang iconic costume sa Hit Spanish Tv Series na “LA Casa de Papel” or “Money Heist”.
Ito ang naisip na gayahin na PPE design ng isang Ilonggo fashion designer na si Ram Silva na kaniyang idinonate sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City.
Alam niya kung gaano na ka-stressful ang bawat isa ngayon lalo na at padagdag na ng padagdag ang mga nagpopositibo. Madalas din daw itong ina-anxiety simula noong umuwi ito sa Iloilo at nag temporary close ang kaniyang business.
Nais niyang makatulong kahit na siya naka-quarantine sa kaniyang bahay kaya naman kinuha niya ang kaniyang inspirasyon sa Hit spanish tv series na Money Heist.
“Sabi ko, I need to do something, nakakatulong ako even naka-quarantine. Inspired ako with the bravery and courage ng mga characters ng Money Heist. Same sila sa ating frontlinErs, yung bravery and courage is admirable.” pagbabahagi ni Silva.
“Positivity amidst the chaos. Our medical Frontliners in my PPE Hazmat suit. #fornairobi #moneyheist #netflix”, caption nito sa kaniyang Instagram post.
Upang makumpleto ang kanilang Money Heist look, gumamit sila ng Dali Masks bilang props lamang sa kanilang post. Rest assured na may tamang suot na facemask ang mga Frontliners na ito.
Ang Money Heist o La Casa de Papel ay isa sa pinakasikat na televesion series ngayon na mapapanood sa Netflix website or app.
Comments
Post a comment