Munisipalidad sa Romblon, Namigay ng Agricultural Food Products Bilang Relief Goods




Namahagi ng agricultural food products ang isang munisipalidad sa Romblon sa pangunguna ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at ng Opisina ng Agrikultura. Nakatanggap din ng mga local na produkto ang mga residente ng naturing siyudad. Bukod sa pagtitiyak na masustansya ang kakainin ng mga mamamayan, layunin din nila na siguraduhing hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga producer sa kanilang lugar.

Bukod sa tipikal na relief goods kasi ay namahagi din ng agricultural food products sa mga residente sa Romblon. Ang mga local na produkto gaya ng gulay, prutas at isda ang inihanda at pinamigay sa mga mamamamayan. Kasama ng mayor ang Opisina ng agrikultura sa pamimili at pagsort ng mga produkto.





Kasabay ng pagtiyak na masustansya pa rin ang kakainin ng mga mamamayan sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, layunin din ng mga namumuno na siguraduhing hindi mawawalan ng ikinabubuhay ang mga producer sa kanilang lugar.

Ang ginawang hakbang na ito ng mayor ay additional na tulong ng munisipyo para sa mga mamamayan at mga producer upang tuloy tuloy ang kanilang kabuhayan at ang kita ay kapakinabangan pa rin ng kapwa Odionganon dahil ang kukunsumo din ng produkto ay Odionganon. Dahil dito, maraming mga netizens ang pumuri sa bayan na ito sa pagpapakita nila ng bayanihan sa isa’t isa.

Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?