Nagdiwang sa Pagka-Discharge ng Kanilang Unang Pasyente na Gumaling Mula sa Covid-19 ang mga Frontliners sa Cebu Doctors Hospital

Ang buong mundo ay pilit lumalaban ngayon upang tuluyang mapuksa ang novel coronavirus o COVID-19 na naging ganap nang pandemic at nagsasanhi ng problema sa iba't-ibang mga bansa. Sa lahat ng ito ay may magigiting na mga propesyonal sa larangan ng medisina ang tinatawag nating "frontliners" na walang sawang nagtatrabaho upang mapagaling ang mga pasyenteng tinamaan ng sakit na ito. 



Dito sa Pilipinas, habang tumataas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay tumataas rin ang bilang ng mga pasyenteng nagiging kritikal at nauuwi sa kamatayan, ngunit sa kabila nito ay mayroon rin namang mga mabubuting balita na nakakarecover ang ilan.

Ang mga medical staff at health workers ng Cebu Doctors Hospital ay tila nabuhayan ng pag-asa nang ma-discharge ang kanilang kauna-unahang pasyente na napagaling nila mula sa COVID-19. Ang naturang pasyente ay hindi lamang ordinaryong pasyente dahil ito ay isang internal medicine specialist, siya ay si Dr. Estrella Huang. 




Ayon sa post ni Dr. Yong Larrazabal ay mahigit 30 years nang nagbibigay ng serbisyo ang 69 anyos na si Dr. Huang doon mismo sa ospital na iyon at nagtuturo rin ito sa Cebu Doctors University College of Medicine kaya naman labis ang pag-aalala nilang lahat sa kalagayan ng doktor. 


Sa nasabing post ay makikita kung paano buong kagalakang binati ng mga staff at workers ang pag-uwi ng kanilang pasyente matapos nitong manatili sa kanilang C-Isolation Unit ng mahigit 2 linggo. Naging malala ang kondisyon nito noon na siyang ikinataranta ng mga staff kaya ngayong negatibo na ito mula sa virus at nakalabas na ito sa wakas ay ikinaligaya nila ito nang husto. 




Ang pangyayaring ito ay nagsilbing inspirasyon upang magpatuloy lamang sila sa kanilang pagtatrabaho sa kaalamang malaki ang naitutulong nila sa mga taong nangangailangan ng kanilang serbisyo. 

Sadyang hindi madali ang trabaho ng ating mga frontliners dahil mismong mga buhay nila ang nakasalalay, sa katunayan ay kabilang ang ilan sa mga ito ang nasawi mula sa virus na ito. Kaya naman, sa mga pagkakataong ang mga ito naman ang nangangailangan ng tulong, nawa'y mapagtuunan agad sila ng atensyon at mapagaling kahit bilang pasasalamat na lang rin natin sa mga bayaning ito.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera