Nakakaaliw na Graduation Ceremony sa Japan, Nag-Viral at Kinaaliwan Online!




Kinansela ang mga klase sa lahat ng paaralan at unibersidad dito sa bansa dulot na rin ng community quarantine. Dahil dito, suspendido rin ang mga school events lalo na ang graduation ceremony na karaniwang ipinagdiriwang tuwing Marso o Abril. Ngunit sa Japan, gumamit sila ng mga robot na may mukha ng estudyante upang matuloy ang graduation ceremony. 

Bago pa man magdiklara si Pangulong Duterte ng community quarantine noong nakaraang buwan, nagkansela na ng klase sa buong paaralan at unibersidad sa Maynila at sinundan na rin ng buong bansa. Dahil dito, naudlot din ang ilang pagsusulit ng mga estudyante at kanilang graduation at moving up ceremony. Ngunit sa bansang Japan, hindi naman sila nagpatinag sa pandemic dahil isang unibersidad ang naipagpatuloy pa rin ang pagtatapos ng mga estudyante.





Ito’y nagawa ng isang unibersidad sa pamamagitan ng teknolohiya. Ayon sa mga ulat, matagumpay na nagawa ng BBT (Business Breakthrough) University sa Tokyo Japan ang kanilang graduation ceremony na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga tahanan. Imbes na kasi estudyante, mga robot ang dumalo sa nasabing ceremony habang ang ulo nila na gawa sa tablet computer ay may real-time video ng mga mukha ng estudyanteng magtatapos.

Gumamit umano ang mga estudyante ng video conferencing tool na zoom upang malaman kung sila na ang tatawagin at kukuha ng diploma. Ang mga robots na ginamit ay tinawag na “Newme”, isang uri ng mobile robots na kayang tumanggap ng Zoom call. Ang mga robot ay nagmistulang mga avatar ng mga estudyante na umaakyat sa stage at tumatanggap ng diploma. Ang nasabing graduation ceremony ay ginawa sa Hotel Grand Palace sa Tokyo. Dumalo lamang ang apat na school administrators upang makaiwas at masunod ang social distancing. 

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit