Nakatanggap ng 5k Worth of Products sa DOLE PH ang Netizen na Nagkamali sa Pagsend ng Rants sa Kumpanya Imbes na sa Department of Labor and Employment




Magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong isla ng Luzon, lahat ng kabuhayan ay apektado lalong-lalo na ang mga manggagawang Pinoy. Dahil rito ay nag-anunsiyo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mamimigay sila ng perang nagkakahalagang 5,000 thousand pesos sa mga empleyadong maaaprubahan bilang tulong pang-pinansyal. 

Gayunman, marami na ang nagrereklamo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap ang nasabing pera at ang iba naman ay sadyang nahihirapan sa pagkuha nito.

Dala ng emosyon ay hindi na napigilan ng isang netizen na si CJ Banasihan na iparating ang kanyang hinaing sa kinauukulan kaya naman nagpadala siya ng mensahe, iyon nga lang ay imbes na sa mismong ahensya ay sa Dole Philippines niya iyon napadala, isa itong kilalang kompanya ng mga produktong prutas. 




Sumagot naman ang kompanya sa mensahe nito at ipinaliwanag nang maayos kay CJ na namali ito ng napagdalhan ng hinaing at itinuro pa nila ito sa tamang ahensya na pakay nito. Nahiya naman ang lalaki sa nangyari at nanghingi ito ng paumanhin, kinunan niya rin ng litrato ang usapan at ibinahagi sa Facebook nito. 

Marami ang nakakita sa nasabing post na kinaaliw ng mga tao hanggang sa tuluyan na itong nag-viral.

Dahil sa positibong epekto dala ng post na ito ay nagdesisyon ang Dole Philippines na padalhan si CJ ng kanilang mga produkto na nagkakahalaga ng mahigit 5 libong piso. 


Para sa kompanya, sa panahon ngayon ay mahalaga ang kahit kaunting kaligayahan dahil sa kinakaharap na problema ng buong mundo kaya naman nagpapasalamat ang mga ito sa pagpapasaya ni CJ sa mga tao kahit sa munting paraan.




nbNagpasalamat naman si CJ sa biyayang natanggap mula sa kompanya at ibinahagi nito sa kanyang Facebook account ang litratong kuha sa kanya katabi ang mga natanggap na kahon-kahong produkto mula sa Dole Philippines.


Sa kabila ng malaking suliranin na ating pilit nilalabanan ay maigi na tayo ay huminto panandalian upang humanap ng positibong bagay sa paligid gaano man ito kalaki o kaliit.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!