Nanay, Gumawa ng Sariling Graduation Ceremony Para sa Anak sa Gitna ng Quarantine




Nang dumami na ang kaso ng COVID 19 sa Metro Manila, agad na nagkansela ng pasok ang mga paaralan at mga unibersidad. Dahil dito, nakansela din ang mga graduation at moving up ceremony ng mga estudyante at hindi pa tiyak kung kailan ito magaganap. Kaya isang nanay ang gumawa na lamang ng sariling graduation ceremony para sa anak sa gitna ng quarantine.

Noong Marso 16, idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang community quarantine sa buong Metro Manila dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID 19 sa ating bansa. Ngunit bago pa ito, nagkansela na ng mga klase sa mga paaralan at unibersidad upang maprotektahan ang mga estudyante. Dahil hindi nakumpleto ang school year na kalimitang natatapos ng Marso o Abril, maraming paaralan ang naudlot ang mga pagsusulit at maski graduation ng mga estudyante. Pinag-aralan ng DepEd kung itutuloy pa ang mga ito kapag natapos na ang quarantine.





Maraming namang graduating students ngayong taon ang nalungkot dahil sa pagkakaudlot ng kanilang pagtatapos. Kaya naman isang nanay na mayroong gragraduate na anak ang nakaisip na bigyan na lamang ang anak ng sarili nitong graduation ceremony. Sa isang facebook post, ibinahagi kung paano ginawa ni Jessica Orda at ng kaniyang pamilya mula Caloocan ang graduation ceremony ng kaniyang anak na si Alyssa Lodronio na isang senior high school student.

Ayon kay Jessica, magtatapos n asana sa SHS ang kaniyang anak na si Alyssa noong Marso 27 ngunit dahil sa community quarantine ay nasuspinde ang kanilang graduation. Kaya naisip nito na gumawa na lamang ng ceremony para sa anak dahil ito ay isang tagumpay at pinapangarap ito ng buong pamilya. Katulong ang kanilang ibang kapamilya, nagkaroon ng short graduation program na mayroong pa martsa, pagkanta ng pambansang awit, opening prayer at pag award ng diploma. Nagkaroon din ng graduation speech ang kaniyang anak. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!