Netizen, Humihingi Ng Tulong Para Sa Isang Sanggol Na Walang Pang-gatas At Hugas Bigas Lang Ang Iniinom


Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine, maraming mga manggagawa na arawan ang sweldo ang naapektuhan dahil sa ngayon ay wala silang kinikita dahil natigil ang mga trabaho. Dahil dito ay hirap rin silang makabili ng kanilang mga stock ng pagkain dahil wala silang sapat na pera. 

Kagaya na lamang ng nakakaawang sitwasyon ng isang pamilyang ito na kahit mismong gatas para sa kanilang bagong silang na sanggol ay wala na silang mapainom. Kaya't naman upang hindi lamang magutom ang bata ay 'am' o ang tubig mula sa nilulutong bigas ang kanilang ipinapadede.

Ang netizen na si Lean Javier ay humihingi ng tulong para sa anak na sanggol ng kanyang kamag-anak na si Marlyn Borabo. Ipinost ni Javier ang kalagayan ng nasabing bata sa pamamagitan ng isang Facebook post.


"Hi. ako po'y humihingi ng unting panahon na basahin po itong aking panawagan sa isang pamilyang hindi makatarungang pang yayari dito sa aming lugar sa Isla Pulang Bato Brgy. Bagong Silang, Quezon City, kakapanganak ng lola ko na si Marlyn Borabo nitong March lang po at yung asawa niya po ay kasalukuyang walang hanap buhay, gawa ngayong Covid-19. 

Dagdag niya,

"Sila po ay kapuspalad na halos wala na pong pang kain at yung baby po ay nilulutuan na lang ng AM pang palit sa gatas. Kami pong mga kamag-anakan ay wala pong kakayahan na makapag abot kahit kaunting gatas kahit sa pack lamang po sa kadahilanan kahit po kami ay kapus na kapus sa pang araw araw na pangangailangan. Ako po ay humihingi ng kaunting tulong para sa kanila, sana po matulungan po sila."

May ilang netizens na nabahala dahil sa ipinapainom na 'am' para sa sanggol dahil napakabata pa raw nito para rito at baka hindi matunawan ang bata. Hindi rin kasi mapa-bre@stfeed ang sanggol dahil maging ang kanyang ina ay walang sapat na nutrisyon

Samantala, mayroong mga mabubuting loob na netizens na nagpaabot ng tulong sa kanilang pamilya at nagbigay ng mga diapers at gatas sa bata. Ilang mga mommies ang nagbigay rin ng kanilang tips para sa pagpapabre@stfeed dahil mas healthy raw ito lalo na sa mga bagong panganak na sanggol.

Source: Facebook

Comments

  1. https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=563651591223455&id=100027358566236

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay