Parking Boy, Nakapulot Ng Pitaka Na May Lamang Pera At Credit Card Ngunit Mas Piniling Ibalik Ito Sa Totoong Nagmamay-ari


Napakahirap ng buhay lalo na ngayong nakakaranas tayo ng matinding crisis. Gayunpaman, kahit na mayroon tayong mga kababayan na naghihikahos dahil walang trabaho, walang pera at walang pagkain, tinitiis na lamang nila ito kaysa gumawa ng masama para lamang maisalba ang kanilang sarili.

Katulad na lamang ng isang parking boy na ito na nakapulot ng isang wallet na naglalaman ng pera at mga credit cards. Kahit na siya ay walang pera, walang tirahan, at mayroon pang sak!t sa thyroid ay hindi niya naisipang pagkainteresan ang napulot niyang pitaka sa halip ay isinurender niya ito sa ikinauukulan upang makabalik sa tunay na nagmamay-ari.

Bahagi ng netizen na si Charlon Ignacio, ang netizen na nakalaglag ng wallet, na nagpunta siya sa Marikina Bayan BPI upang magwithdraw ng pera. Noong nakauwi siya sa kanilang bahay ay napansin niya na nawawala ang kanyang pitaka.

Naisip niya na baka naglaglag niya ito sa may parking area malapit kung saan siya nagwithdraw, kaya naman muli siyang bumalik doon dahil nagbabakasaling makikita pa niya roon ang kanyang wallet. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito natagpuan. 

Pumasok siya sa isang convenience store at tinananong sa crew kung mayroong mga CCTV sa labas ng tindahan. Nakilala siya ng crew at sinabi na mayroong parking boy na nakapulot sa kanyang wallet. Sinubukan siyang hanapin kasama pa ng isang lalaki ngunit nakaalis na siya noon.

Nag-iwan sila ng maliit na piraso ng papel na mayroong pangalan ng nakapulot at contact number. At sinabi na isinurender nila ito sa kalapit na p0lice station. Laking tuwa ni Ignacio nang malaman na may mabuting samaritanong hindi pinagkainteresan ang kanyang pitaka sa kabila ng crisis na nararanasan natin ngayon.

Nang pumunta na siya sa p0lice station ay naibalik na sa kanya ang kanyang pitaka. At nakilala ang mabuting samaritano na si Jheonathan Romasanta, isang parking attendant sa ministop. 

"He is JOBLESS, HOMELESS, and ILL (he has a Thyroid d!sease) and YET STILL DECIDED to return my wallet. No hindi pumasok sa isip niya na kunin na lang yung wallet ko para pambili niya ng pagkain or gamot.",saad ni Ignacio.

Dagdag pa niya,

"I also want to shout out to Emmanuel Villegas. When Jheonathan picked up my wallet, unknowingly, he was being observed by Emmanuel and wanted to check his move. When he found out the Jheonathan wanted to return my wallet, he bought him food, offered him a job and accompanied him to the p0lice station to return my wallet."

Sa panahon natin ngayon, mayroon pa rin talagang mga tao na mas pipiliin pa rin ang gumawa ng mabuti at manatiling tapat sa kanilang kapwa.

Kudos sayo, Jheonathan!

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa