Pulubi, Pinamalas ang Social Distancing sa Panlilimos sa Gitna ng COVID!
Nakuhanan ng larawan ang isang babae matapos itong makitang
nanlilimos sa kalye at gumawa ito ng paraan upang masunod ang patakaran ngayon
ng social distancing sa COVID. Idinugtong nito sa kahoy ang isang maliit na plastic
upang hindi niya kailangang lumapit sa mga tao. Subalit ang pagpapalaboy laboy
nito sa kalye ay hindi parin tama dahil sa ipinapatupad na enhanced community
quarantine.
Laging paalala sa atin ng mga eksperto na magkaroon ng
social distancing sa isat-isa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID.
Ipinatutupad ito kahit saan maging sa mga sasakyan at pampublikong lugar. Kaya
ang bawat mamamayan ay nagkaroon ng kaniya-kaniyang paraan upang masigurong
nasusunod ito.
Sa mga supermarket, nilalagyan ng marka ang sahig para
maging palatandaan ng mga mamimili lalo na kapag pumipila sa pagbabayad. Ang
mga TV reporters, naglalagay na ng mga mga extension sa mikropono upang
makapagtrabaho pa rin kahit na nakadistansya sa iniinterbyu. Nabago na nga ang
ating buhay dahil sa social distancing.
Kahit ang mga nanlilimos ay kasali rin rito. Saksi ang isang
netizen sa paggawa ng paraan ng nanghihingi ng limos sa daan. Ipinost ni
Shandee Perfas Diendo ang mga larawan na nakuha niya habang binabaybay ang
kahabaan ng kalye sa GenSan. Sa may stop light diumano lumapit ang lalaki sa
nakatigil na sasakyan at iniabot nito sa bintana ang isang lalagyan na nakadugtong
sa halos isang metrong patpat.
Comments
Post a Comment