Samar State University, Gumawa ng Energy-Boosting Cookies at Fruit Juice Para sa mga Frontliners!




Isang unibersidad sa Samar ang nagsimulang gumawa ng energy-boosting cookies at juice drinks para sa mga frontliners. Sa facebook, ibinahagi ng Northwestern Samar State University ang mga larawan ng kanilang mga faculty members habang sila ay gumagawa ng masustansyang pagkain at inumin sa kanilang food processing laboratory. Halos tumungtong sa bilang na dalawang (2) libong pakete ng cookies at buko juice ang kanilang target para ipamahagi sa loob ng dalawang (2) linggo.

Sa gitna ng nangyayaring COVID sa ating bansa, naisip pa ng isang unibersidad na ito sa Samar ang gumawa ng mabuti para sa kanilang kapwa sa kabila ng mga nangyayari sa ating bansa. Naisip nila itong gawin upang suportahan ang mga frontliners natin sa kanilang pakikipaglaban sa COVID. 





Ayon kay Dr. Gerald T. Malabarbas, ang director ng research and development at kay Nelissa Sudaria na Program Chair BS Food Technology, ang mga cookies daw ay mayaman sa Vitamin A, B, E, carbohydrates at fiber. Habang ang buko juice naman ay mayaman sa electrolytes at Vitamin C na nakakatulong upang magboost ang immune system ng isang tao. 

Pinasalamatan naman ni Malabarbas ang University President na si Benjamin Pecayo dahil sa pagsuporta nito sa nasabing proyekto upang maging matagumpay ito. Pinasalamatan din si Raffy Roman na isang food court stall owner at si Ivan Jerome Monponbanua na isang alumnus dahil sa pagbibigay ng libreng bottles na ginamit sa proyekto.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit