Syrian Vlogger na si Basel, Namigay naman ng mga Gulay Bilang Donasyon sa mga Pinoy!




Kilala na ang Philipine-based Syrian Vlogger na si Basel Manadil dahil sa kaniyang mga tulong sa mga kapuspalad na Pinoy. Nang magkaroon ng pandemic dulot ng COVID 19 ay dumoble pa ang mga tulong na ibinibigay ng nasabing vlogger. Kamakailan, namigay muli siya ng donasyon, at sa pagkakataong ito ay mga sariwang gulay naman ang kaniyang ipinamahagi. 

Sa isa nanamang taos pusong vlog, ibinahagi ng the hungry Syrian wanderer na si Basel Manadil ang kaniyang inihandang donasyon para sa mga Pinoy sa gitna ng enhanced community quarantine. Kilala na noon pa ang Philippne-based Syrian Vlogger na si Basel sa kaniyang mga trending videos sa pagtulong sa mga Kapus-palad na kababayan. At noong nagkaroon ng lockdown at dumami ang mga naghirap, hindi nag atubili si Basel na maghatid ng mga donasyon at tulong.





Kamakailan, dumagdag sa mga tulong na inihatid ni Basel sa mga Pinoy ay ang pamimigay niya ng mga gulay. Sa kaniyang vlog, sinabi niya na tigil muna siya sa pamimigay ng delata at naisip na ang mga susunod ay masusustansyang gulay naman ang ipamimigay para sa mga kababayan. Ang kaniyang inupload na vlog ay pinamagatang: Buying tons of vegetables to give away to Filipinos During Lockdown.

Makikita sa vlog ang marami at samut saring mga gulay na sariwa pang binili sa Baguio. Ang mga gulay na kaniyang ipinamigay ay puso ng saging, kangkong, pechay, kamatis, sayote, talong, broccoli, ampalaya at iba pa. Ang mga gulay na ito ay kaniyang ini-repack at nilagay sa mga gamit nang karton ng juice. Ang bawat karton ay nilagyan niya ng tig-iisang uri ng gulay na kaniyang binili. Ayon kay Basel, pinili niyang mamigay ng gulay dahil kailangan din ng ating katawan na kumain ng masusustansyang pagkain.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga