Posts

Showing posts from May, 2020

Isang Kapitan ang Namahagi ng mga Libreng Upo na Gulay sa mga Motorista!

Image


Ang tila bangungot na nangyayari sa buong mundo ngayon dala ng COVID-19 ay talagang sumusubok sa katatagan ng bawat isa. Hindi biro ang mawalan ng hanap buhay, pagbagsak ng mga negosyo at kung anu-ano pang pwedeng pagkakitaan, kaya naman ang anumang tulong--kahit gaano pa kaliit, ay napakalaking bagay na. 
Sa panahon ng matinding pagsubok ay nangingibabaw rin ang kabaitan at pagiging matulungin ng marami, kagaya na lamang ng isang butihing opisyal sa isang barangay sa Imus.


Isang lalaki sa Imus, Cavite ang namataang namimigay ng mga gulay na upo sa mga dumaraang motorista sa kalsada. Maaaring inakala ng iba na nagbebenta ito ng gulay dahil pinapara nito ang bawat dumaraan sa kalyeng iyon, ngunit ang mga upo na iyon ay ipinamamahagi lamang nito nang libre. 

Ang lalaking ito ay napag-alamang kapitan pala ng Barangay Bucandala IV sa may Imus, Cavite. Siya si Kapitan Gary Bacos at kilala na ito roon sa kanyang pagiging natural na matulungin, sa katunayan ay hindi lamang ang pamimigay ng gula…

Magsasaka, Ginulat Ang Stadium Management Matapos Niyang Taniman Ng Gulay Ang Isang Football Field

Image
Isa sa mga nakikitang solusyon upang masustain ang produksyon ng pagkain ay ang pagtatanim ng mga prutas at gulay. Sa panahon kasi ng pandemya, dahil marami ang mga trabahong natigil at ang mga empleyado sa mga kumpanya ay labis rin na naapektuhan ay pahirapan na ang paghahanap ng pera para lang may maipangbili ng pangkain.
Kaya naman sa mga mahilig magtanim, ay hindi problema ito dahil anumang oras ay mayroong silang aanihin upang mayroon silang makain at hindi magutom.
Samantala, isang matandang magsasaka ang ginulat ang karamihan pati na ang management ng isang football stadium sa Makassar, Indonesia dahil tinamnan niya ito ng iba't ibang klaseng gulay.
Ibinahagi ng Instagram user na "redgank_psm" ang maiksing video na kung saan ang professional stadium ay naging isang malaking taniman ng gulay ng nasabing magsasaka. Makikita na ang dating football pitch ay nawala na dahil napalitan na ito ng mga tanim tulad ng petchay at iba pang gulay.
Marahil mainam ang magtanim n…

Lola Hindi Maibili Ng Smartphone Ang Kanyang Apo Na Gagamitin Sana Sa Online Class Dahil Kulang Ang Kanilang Pera

Image
Dahil sa patuloy na banta ng Covid 19 sa buong mundo, upang mapatuloy ang edukasyon ng mga bata ay gagamit muna ng ibang paraan ng pagtuturo, ito ay ang online learning. Ngunit hindi lahat ay mayroong gadgets at internet na magagamit para dito, kaya naman karamihan sa mga magulang ay namomroblema na kung papaano mapagpapatuloy ng kanilang mga anak ang edukasyon.
Sa bansang Thailand, ibinahagi ng netizen na si Jatupol Boriboon ang kanyang nakasalamuhang mag-lola na pumunta sa cellphone shop na kung saan siya ay nagtatrabaho.
Ayon sa kanya ay nagtanong ang lola kung mayroon ba silang tinitindang smartphone na hindi lalagpas sa kanilang budget na 2,000 baht ($62 o Php3.000). 
Tanong ng lalaki kung para sa kanya daw ba ito, ngunit ang sabi ng matanda ay gagamitin raw sana ito ng kanyang apo para sa online classes. 
Ipinaliwanag ng lalaki na wala raw silang available na phone na mabibili nila sa ganoong halaga. Ngunit mayroon naman silang installment plan. Ang kaso lang ay baka hindi rin …

Double Rainbow Na Namataan sa La Union, Nag-Viral at Pinuntahan ng mga Netizens!

Image
Nakita at nakuhanan ng litrato ng isang residente sa Rosario La Union ang dalawang rainbow sa kalangitan kamakailan. Ayon sa uploader, unang beses niyang makakita ng double rainbow na kalimitang isa lang ang makikita. Ang panagalawang rainbow na nakikita ay repleksyon lamang ng pangunahing rainbow dahil sa water droplets. 
Kapag ikaw ay tumingin sa kalangitan. Ano ang kalimitan mong hinahanap? Lumilipad na ibon? Eroplano? Mga nauusong drones? O di kaya mga nakakamanghang hugis ng ulap? Ngunit sa tuwing umuulan o natatapos ang ulan, madilim lamang ang maaninag sa ating kalangitan. At paminsan-minsan ay mayroong ding lumalabas na bahaghari o rainbow na binubuo ng pitong kulay: pula, orange, dilaw, berde, asul, indigo at violet. 




Ang bahaghari ay isang phenomena caused by refraction, light refraction at dispersion ng water droplets. Ito ay lumalabas sa kalangitan tuwing natatapos umulan o ang isang parte ng lugar ay inulin habang ang kabilang parte naman ay maaraw. Ngunit paano kung dal…

Artwork na Tampok ang Mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Nag-Viral Matapos Itong Mapagalaman na Gawa sa Pakete ng Kape!

Image
Viral ngayon ang obrang tampok si Kapuso actress Marian Rivera na gawa ng isang binate na fan ni Marian. Ang obrang ito ay gawa mula sa mga ginupit gupit na pakete ng kape at saka ginawang collage upang mabuo ang mukha ng aktres at asawa nito. Napansin naman ng facebook page ni Marian ang nasabing obra ng binata na nagpasalamat sa lahat ng humanga sa kaniyang nilikhang obra. 
Sa mahigit dalawang buwan na lockdown at nasa loob ka lamang ng inyong tahanan, ano ang iyong ginawa sa mga araw na iyon? Natuto ka rin ba ng bagong hobby? Naging busy ka rin ba dahil sa iyong work from home o gumawa ng mga tiktok videos katulad ng ibang pinoy? Ngunit para sa binatang si Aslie Yabut, ginamit niyang pagkakataon ang quarantine na ito upang lumikha ng kaniyang mga nakakabilib na obra gamit lamang ang mga ginupit na papel.




Isa sa mga obra ni Aslie ang nag-viral online dahil sa kaniyang pagiging malikhain at hindi matatawarang talent na ipinakita ng binata upang ito ay mabuo. Tampok sa kaniyang likha…

Larawan ng Sunset na Mistulang Painting, Agaw Pansin sa Netizens at Viral sa Social Media!

Image
Marami ang namangha sa mga pambihirang larawan ng sunset na inuploadng isang netizen sa social media. Dahil kasi sa angking ganda ng mga larawan, agad itong nag viral at umagaw ng pansin sa mga netizen. Kinunan naman ang mga naturang litrato sa Infanta, Pangasinan noong ika 16 ng Mayo 2020, dakong hapon.
Marami sa mga pinoy ang mahilig kumuha ng litrato sa mga bagay na sa tingin natin ay magaganda. Katulad na lamang ng pagkakahumaling natin sa tinatawag na landscape at nature photography kung saan bida sa larawan ang natatanging ganda ng kalikasan. Sa katunayan, isa sa mga patok na subject sa ganitong uri ng photography ay ang sunset o ang paglubog ng araw. Dito kasi tiyak na matutuwa ang iyong mga mata lalo na kapag napagmasdan nito ang unti unting pagiiba ng kulay ng langit.




Ganito ang pinakita samga larawan ng sunset na inupload ng netizen na si Mico Callanta sa facebook. Ayon kay Mico, kinunan niya ng mga litrato Sa Barangay Cato sa Infanta, Pangasinan. Litaw na litaw ang makukul…

Landlady, Pinabaklas Ang Bubong At Pinto Ng Bahay Ng Kanyang Tenant Na Buntis Dahil Hindi Makabayad Ng Renta

Image
Wala ng mas sasaklap pa sa naranasan ng mag-iinang ito dahil sa gitna ng pandemya at lockdown sa ating bansa ay pinagmalupitan pa sila ng may-ari ng kanilang inuupahang bahay sa Caloocan. 
Ayon sa netizen na nagbahagi ng video sa Facebook na si Czairra Alliyah Cheng ay nais niyang isiwalat ang ugali ng nagmamay-ari ng kanilang inuupahan. Sa video ay makikitang pinagbabaklas ang bubong ng isa sa kanilang tenant dahil hindi raw ito makabayad ng upa. Bukod pa roon ay maging ang pintuan ng bahay ay tinanggal din.
Aniya na hindi makatao ang ginawa ng kanilang landlady na si Aling Tess dahil bukod sa buntis ang nangungupahan ay mayroon pa itong mga kasamang mga maliliit na anak. Hindi naman makauwi ang asawa nito dahil nalockdown sa Bulacan.
Nagsimula ang pagbabaklas ng 9:30 ng umaga at dakong 12:35 ng tanghali ay umulan raw ng malakas kaya naman pinasok na ng tubig ang inuupahang bahay ng mag-iina kaya maging ang kanilang mga kagamitan ay basang-basa na rin ng ulan.
Ayon kay Czairra, ay h…

Isang Lalaking Nagtatrabaho sa Tubuhan Bilang Tapasero, Natupad ang Pangarap na Maging Licensed Teacher!

Image


Karamihan sa mga magulang ay hangad lamang ang nakakabuti para sa kanilang mga anak. Madalas ang kanilang pagpapalaki sa mga ito ay base na rin sa kanilang pinagdaanan o di kaya naman ay karanasan sa buhay. 
Isang lalaki ang lumaki sa pangaral ng kaniyang ama na mas mainam pang magtrabaho sa murang edad kaysa paglaanan ng panahon ang halos araw-araw na pagpasok sa paaralan dahil hindi naman siya kikita ng pera mula dito. 
Ang nasabing lalaki ay nakilala bilang si Melvin Osabel Buracho at ang kaniyang ama ay nagtatrabaho sa tubuhan para matustusan ang kanilang pangangailangan. 



Sa murang edad ay mataas na ang pangarap ni Melvin kaya naman desidido siyang tapusin ang kaniyang pag-aaral hanggang kolehiyo. Hindi naging madali ang bagay na ito lalo na at tutol na tutol ang kaniyang ama sa pag-aaksaya niya ng oras sa paaralan. 
Sa katunayan, ang mga nakababata niyang kapatid ay tumigil na sa pag-aaral at nagtrabaho nalang sa tubuhan dahil sa takot sa kanilang ama. Samantala, si Melvin ay pin…

'Tisoy na Paniki'?, Netizens Namangha Sa Nakitang Puting Paniki sa Samal Island

Image
Namangha at naaliw  ang maraming social media users matapos makita ang larawan ng isang putting paniki. Sa facebook, ini-upload ng isang netizen ang mga litrato ng kakaibang klase ng paniki na nakita niya kamakailan sa Samal Island. Ayon sa regional office ng DENR, kasalukuyan pa nila itong iniimbestigahan sa ngayon dahil wala pang sightings ng puti o albino na paniki sa isla.
Normal lamang na makita ang itim na paniki, lalo na sa mga lugar na madalas puntahan ng mga paniki gaya sa Palawan. Ngunit paano kung makakita ka ng puting uri nito? Sa facebook ay iniupload ng isang user na nagngangalang Gigi Senajonon ang mga litrato ng puting paniki na nakita niya kamakailan sa Samal island. Namangha at naaliw ang maraming netizens sa social media matapos makita ang mga larawan ng kakaibang klase ng lumilipad na hayop na ito, na madalas ay kulay itim at hindi puti.




Marami ang nagbiro na mestizo o tisoy ang paniki. Mayroon naman mga nagpatawa na baka pumuti ang hayop dahil hindi masyadong nak…

'Scary Face Masks', Nag-Viral Matapos Gawin ng Isang Designer Upang Mapanatili ang Social Distancing

Image
Upang makaiwas sa COVID-19, isang designer ang nakaisip ng paraan para na rin mapantili ang social at physical distancing na ito sa Iceland. Gumawa ng face mask ang designer sa pamamagitan ng pag-gagantsilyo ngunit mga nakakatakot na disenyo ang kaniyang ginawang face mask. Paglilinaw ng designer, hindi umano nakakatulong ang ginawang face mask sa pag-iwas sa V!rus ngunit ito ay kaniyang ginawa para lamang umiwas ang mga tao sa takot sa isa’t isa.
Lahat ng maaring pagiingat ay palaging ipinapaalala sa publiko sa panahon ngayon ng COVID-19 pandem!c. Paghuhugas ng kamay, pag-disinfect, paggamit ng alcohol at hand sanitizer, pagpapatupad ng social distancing at pati narin physical distancing. Ngunit marami ang nahihirapang sundin ang social at physical distancing dahil nakasanayan na natin ang pakikihalubilo sa ibang tao.




Kaya naman isang designer ang nakaisip ng paraan kung paano tuluyang magiiwasan ang mga tao. Sa video mula sa AFP, itinampok ang face mask na gawa ng Icelandic designe…

Isang Guro ang Pansamantalang Inalagaan ang Aso ng Isang Estudyante Dahil Walang Mag-aalaga sa Kanilang Bahay

Image


Sadya ngang samu't saring kwento ang mga naririnig natin patungkol sa mga guro na itinuturing rin nating makabagong bayani. Nariyan ang pagsasakripisyo nila ng oras sa mahabang paglalakad papunta sa paaralan o di kaya naman ay paglalaan ng sariling pera para sa kapakanan ng kanilang mga estudyante. Maliban nga sa propesyon na kanilang sinumpaan ay siniseryoso rin nila ang pag-aalaga sa mga bata at sa katunayan ay literal na tumatayong pangalawang magulang ng mga ito.
Kaugnay nito, kamakailan lang ay isang guro na naman ang hinangaan ng mga netizens matapos niyang maging viral sa social media dahil sa pagpapakita ng magandang kalooban sa isang tuta!

Isang estudyante ang nagdala ng dalawang buwang tuta sa kanilang paaralan sa kadahilanang walang mag-aalaga nito sa kanilang bahay at noong una ay nag-aalala ito dahil baka mapagalitan siya ng kaniyang guro kaya naman palihin niya itong dinala sa loob ng silid-aralan. 



Napansin nga ng kanilang Science Teacher ang cute na tuta at agad na ti…

Isang School Canteen, Pinuri Dahil sa ALL NATURAL ng mga Kagamitan sa Pagserve ng Pagkain

Image


Isa ang plastic sa pinakahinaharap na problema ng mga tao ngayon dahil na rin sa perwisyong naidudulot nito sa ating kalikasan. Isa rin ito sa mahirap tanggalin sa ating bansa dahil na rin mas convenient itong gamitin at madali na lamang itong itapon. Subalit ang paggamit nito ay siyang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng mga baha at limpak limpak na mga basura.
Kaugnay nito, ang gobyerno at ilang pribadong sektor maging indibidwal ay nagkaroon ng kani-kaniyang paraan kung papaano mababawasan paggamit ng plastik. 


Sa katunayan, isang paaralan ang kamakailan lang ay umani ng papuri dahil sa pagiging eco-friendly nito! 




Ito ay walang iba kundi ang Papatahan Integrated National High School na matatagpuan sa Paete, Laguna. Sa mga larawang ibinahagi ng mga concerned netizens online ay makikita ang nasabing canteen na mayroong pagkakahawig sa isang bahay kubo. Halos puro kahoy ang materyales nito na mayroong yerong bubong at preskong tambayan para sa mga estudyante. 


Ang talaga namang nakaka…