Artwork na Tampok ang Mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, Nag-Viral Matapos Itong Mapagalaman na Gawa sa Pakete ng Kape!




Viral ngayon ang obrang tampok si Kapuso actress Marian Rivera na gawa ng isang binate na fan ni Marian. Ang obrang ito ay gawa mula sa mga ginupit gupit na pakete ng kape at saka ginawang collage upang mabuo ang mukha ng aktres at asawa nito. Napansin naman ng facebook page ni Marian ang nasabing obra ng binata na nagpasalamat sa lahat ng humanga sa kaniyang nilikhang obra. 

Sa mahigit dalawang buwan na lockdown at nasa loob ka lamang ng inyong tahanan, ano ang iyong ginawa sa mga araw na iyon? Natuto ka rin ba ng bagong hobby? Naging busy ka rin ba dahil sa iyong work from home o gumawa ng mga tiktok videos katulad ng ibang pinoy? Ngunit para sa binatang si Aslie Yabut, ginamit niyang pagkakataon ang quarantine na ito upang lumikha ng kaniyang mga nakakabilib na obra gamit lamang ang mga ginupit na papel.





Isa sa mga obra ni Aslie ang nag-viral online dahil sa kaniyang pagiging malikhain at hindi matatawarang talent na ipinakita ng binata upang ito ay mabuo. Tampok sa kaniyang likha ang mukha ng Kapusong si Marian Rivera. Ang likha na ito ni Aslie ay gawa lamang sa ginupit gupit na pakete ng pakete ng Kopiko na kaniyang pinulot at saka ginawang collage upang mabuo ang pamilyar na mukha ng kapuso Queen. Ibinahagi ni Aslie ang litrato sa kaniyang facebook at umani ito ng 59K na reactions at 13K na shares. 

Ang nasabing obra ay nirepost ng GMA News Facebook page at mismong facebook page ng Kapuso actress. Ayon kay Aslie, binuo umano niya ang obra ng kaniyang idolo sa loob lamang ng limang araw. Matatandang mayroon din obra ng asawa ni Marian na si Dingdong Dantes na tampok din ang kaniyang mukha na gawa naman sa pakete ng Dingdong nuts. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!