Ibinahagi ni BB Gandanghari Kung Bakit may Sama siya ng Loob kay Robin Padilla at sa Kaniyang Pamilya




Mahigit isang dekada na rin ang nakalilipas nang gulatin ng dating action star na si Rustom Padilla ang madla sa pag-amin nito tungkol sa kanyang tunay na sekswalidad. Naging housemate ito sa reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1 taong 2006 at doon mismo nito ginawa ang pag-amin. Matapos iyon ay nagpapalit ng pangalan ang aktor at mula noo'y kinikilala na ito bilang BB Gandanghari. 


Sa kasalukuyan ay mag-isa itong naninirahan sa Los Angeles, California. Ang bagong pangalan naman nito at ang pagpapalit nito ng kasarian ay legal na sa korte ng America. 




Ika-25 ng Abril nang kumalat sa social media ang pekeng balita na natagpuang p(a)tay umano si BB sa kanyang tinutuluyang apartment sa USA. 

Tatlong araw matapos iyon ay naglabas naman ito ng kanyang sama ng loob para sa mga kaanak sa pamamagitan ng Instagram Live. Hindi na napigilan ni BB ang maghinaing dahil mula nang kumalat ang maling impormasyon ay wala man lang ni isa sa kanyang kapamilya ang tumawag upang siguruhin kung maayos ang kanyang kalagayan. Wala ring nag-abala sa mga ito na klaruhin sa madla na hindi totoo ang bali-balita na kumakalat. 


Nilinaw ni BB na hindi ito naghahanap ng atensyon o nagsisimula ng drama, talagang masama lang raw ang kanyang loob at kailangan niya itong ilabas. Nabanggit rin nito na wala raw pakialam ang nakababata nitong kapatid at kapwa aktor na si Robin Padilla sa kanyang kalagayan. 




Sa katunayan, pakiramdam ni BB ay inilaglag siya nito sa ere at tuluyang pinabayaan. Kung nabaliktad ang sitwasyon at si Robin ang napabalitang nasawi, ayon kay BB ay isasantabi nito ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan upang pabulaanan ang maling balita, bagay na hindi nito ginawa para sa kanya. 


Naging emosyonal si BB kalaunan sa kanyang Live session dahil labis itong apektado sa malisyosong balita. Hindi na raw ito kumportableng matulog sa kanyang apartment dahil sa kakaisip sa masamang chismis na iyon. 


Dismayado rin ito sa taong nagpakalat ng hindi magandang bali-balita tungkol sa kanya at pati na rin sa mismong Facebook dahil hinayaan ng mga taong nasa likod niyon ang maipakalat ang hoax. Sinubukan namang hingin ang panig ni Robin Padilla tungkol sa sinabi ng kapatid nitong si BB, ngunit hanggang ngayon ay wala pang naririnig mula sa kampo nito.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay