Isang Aeta sa Iloilo, Isinauli ang Natanggap na Ayudang P6,000 sa SAP!




Matapos matanggap ang tulong pinasyal na ipinamahagi ng gobyerno, hinangaan naman ngayon online ang kabaitan ng isang Ati mula sa San Enrique, Iloilo. Viral online si Helen Segura, isang Ati matapos niyang isauli ang P6,000 ayuda mula social amelioration program. Napasali si Segura sa listahan ng tatanggap ng SAP kaya naman nakatanggap siya ng pera.

Ngunit dahil sa pagiging matapat ni Segura, ay isinauli niya sa DSWD ang perang natanggap sa kadahilanang miyembro siya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Maraming netizen ang humanga sa ginawa ni Segura at mayroon ring ilan na binatikos ang DSWD dahil sa kanilang pagkakamali.





Ayon sa mga nagkomento, nawa ay biyayan pa lalo si Nanay Helen at balikan ng mas maraming biyaya pa dahil sa kaniyang ginawa. Dagdag pa ng ibang komento ay sana lahat ganyan ang pagiisip ng ibang tao kasi it mas lalo lang nilang tutuungan ang gobyerno na pagsilbihan ang iba pang mas nangangailangan ng mga tulong. Ayon pa sa kanila, napakasarap isipin na may mga tao na may mga ganitong pag uugali. 

Dagdag pa ng iba n asana ay pati ang mga LGU leaders ay maging tapat at totoo kagaya ni ate. Nais lang niyang makuha kung ano ang alam niyang para sa kaniya kahit pa maiisip natin na maari niya itong magamit sa ibang bagay. Buti nalang mayroon pang mga tao na kagaya ni Ate na maaring gayahin natin at maging isang ehemplo para sa sambayanang Pilipino. 

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya