Landlady, Pinabaklas Ang Bubong At Pinto Ng Bahay Ng Kanyang Tenant Na Buntis Dahil Hindi Makabayad Ng Renta


Wala ng mas sasaklap pa sa naranasan ng mag-iinang ito dahil sa gitna ng pandemya at lockdown sa ating bansa ay pinagmalupitan pa sila ng may-ari ng kanilang inuupahang bahay sa Caloocan. 

Ayon sa netizen na nagbahagi ng video sa Facebook na si Czairra Alliyah Cheng ay nais niyang isiwalat ang ugali ng nagmamay-ari ng kanilang inuupahan. Sa video ay makikitang pinagbabaklas ang bubong ng isa sa kanilang tenant dahil hindi raw ito makabayad ng upa. Bukod pa roon ay maging ang pintuan ng bahay ay tinanggal din.

Aniya na hindi makatao ang ginawa ng kanilang landlady na si Aling Tess dahil bukod sa buntis ang nangungupahan ay mayroon pa itong mga kasamang mga maliliit na anak. Hindi naman makauwi ang asawa nito dahil nalockdown sa Bulacan.

Nagsimula ang pagbabaklas ng 9:30 ng umaga at dakong 12:35 ng tanghali ay umulan raw ng malakas kaya naman pinasok na ng tubig ang inuupahang bahay ng mag-iina kaya maging ang kanilang mga kagamitan ay basang-basa na rin ng ulan.

Ayon kay Czairra, ay halos hampasin pa raw siya ng wire ng rice cooker ng kanilang landlady dahil raw pinagtatanggol niya ang mag-iina at pinagbantaan rin siya na tatanggalan ng pinto ang kanyang inuupahan kahit na wala naman siyang utang sa renta.

Tinawag nila na walang puso ang kanilang landlady dahil ni hindi man lang ito nagbigay ng konsiderasyon lalo na't pahirapan ngayon ang paghahanap buhay dahil mayroon pa ring mga lugar na naka-ECQ o Enhanced Community Quarantine.

Samantala, mabuti na lamang ay sumaklolo at tumulong ang iba nilang mga kapitbahay na maglikas ng mga gamit ng buntis na tenant at pansamantala munang pinatuloy ang mag-iina sa bahay ng kanilang kapitbahay. May mga kapitbahay rin na tumulong upang ayusin ang bubong ng mag-iina.

Nag-report na rin si Czairra sa mga kinauukulan sa barangay hingil sa pagtrato ng kanilang landlady na si Aling Tess. At nawa'y mabigyan na sana ng hustisya ang pagmamalupit nito sa kanila.


Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!