Piolo Pacual, Kuntento Ngayon na Kapiling ang Kaniyang Ina Ngayong Quarantine




Ang lahat ng tao sa buong mundo ngayon ay apektado ng COVID-19, sa kalusugan man o sa kabuhayan, kaya naman ang lahat ay sinusubukang mag-adjust sa ganitong klase ng pamumuhay ngayon habang wala pang nadidiskubreng lunas o bakuna para tuluyang mapuksa ito. Maging ang mga artista at ibang mga kilalang personalidad ay natigil rin sa kani-kanilang trabaho at sila rin ay nananatili lamang sa kanilang mga tahanan. 

Karamihan sa kanila ay sinamantala ang pagkakataon na ito upang gawin ang mga bagay na kadalasan ay wala silang oras para gawin at ang iba naman ay sinusulit ang oras para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay, kagaya na lamang ni Piolo Pascual.


Kasalukuyang nasa kanyang pribadong resthouse ang aktor na si Piolo mula pa noong nagsimula ang Enhance Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon. Nakausap nito ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa pamamagitan ng Facebook Live at doon nito ibinahagi kung ano ang lagay nito ngayon sa kabila ng ECQ. 




Ayon sa aktor ay maayos naman ito at ang kanyang pamilya, sa katunayan ay kasama nito ang inang si Amelia Pascual doon sa kanyang rest house sa Batangas. Doon nito napiling manatili sa kabuuan ng ipinatupad na quarantine, kaya naman bawat oras ay sinusulit nito upang maka-bonding ang ina.


Sumusunod rin umano ang aktor sa mga patakaran at hindi ito lumalayo sa kanyang bahay kung hindi kinakailangan. 


Sa kabila nito ay patuloy pa rin naman daw ang pagtulong nito sa mga nangangailangan, ang kaibahan nga lang ay hindi na ito personal na nakakapag-abot ng tulong dahil na rin sa social distancing na ipinatupad. Ang ginagawa na lamang raw nito ay ipinapaabot na lamang niya ang tulong sa mga foundations at iba't-ibang programa para sila na ang bahalang magpamahagi sa mga tao. 




Ang inaatupag naman daw ni Piolo nitong mga nakaraan ay ang pag-aasikaso sa kanyang ina. Araw-araw umano naglalakad ang mga ito sa umaga at buong araw na nagku-kwentuhan. Ibinahagi rin ng aktor na mas malakas na raw ang ina at mas maayos na ang kondisyon, gayunman ay hindi naman nito nabanggit kung may iniindang sakit ang kanyang ina. 


Sa pagtatapos ng kanilang usapan ni Pops ay sinabi ni Piolo na naniniwala itong makakabangon muli ang Pilipinas mula sa krisis gawa nang ang mga Pilipino ay likas na malalakas ang kalooban at handang humarap sa ano mang laban ng buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay