Unang Family Photo Nina Solenn Heussaff, Nico Bolzico at Baby Thylane, Nag-Viral Online!




Apat na buwan pagkatapos isilang ni Solenn Heussaff ang anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana, opisyal nang ipinakita ng mag-asawa ang mukah ng kanilang anak. Unang nagbahagi ng litrato si Solenn kasama si Thylane sa kaniyang Instagram account. Sumunod naman si Nico Bolzico na nagpost ng litrato nila ng buong pamilya. Marami sa showbiz industry na mga artista ang nakakapangasawa rin ng kapuwa artista. Dahil sa kasikatan ng kanilang mga magulang, pinakaaabangan din ng maraming Pinoy ang magiging anak ng mga mag-asawang artista.

Sa panahon ngayon ng Internet at Social Media, maraming anak ng celebrities ang mas nakilala online dahil sa mga ibinabahaging litrato at videos ng kanilang mga magulang. Ang mga anak kasi ng mga artista ay karaniwang manang mana sa mukha ng kanilang mga magulang. Ngunit kung ang ibang artista ay agad agad na ipinapakita ang litrato ng kanilang mga anak sa social media, naiiba ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Maraming buwan bago nila ibinahagi ang larawan ng kanilang anak.





Isinilang ng aktres at model na si Solenn Heussaff ang anak na si Thylane Katana noong nakaraang bagong taon January 1, 2020. Mula pagkapanganak ni Solenn hanggang sa pag-aalaga nila sa kanilang anak, lahat ng litrato at video ay ibinabahagi ni Nico sa kaniyang Instagram account. Isa umano ito sa patakaran ni Solenn matapos niyang isilang ang kaniyang anak para na rin maging pribado muna ang kanilang anak.

Ngunit apat na buwan na ang nakalipas, ipinakita na rin sa wakas at sa unang pagkakataon nina Solenn at Nico ang mukha ni Thylane. Sa litrato nilang dalawa, biniro ni Solenn ang asawang si Nico na hindi kasama sa litrato. Pagkatapos ibinahagi ni Solenn ang litrato nila ni Thylane ay nagpost din si Nico ng litrato nilang tatlo. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!