Good Samaritan na Pulis, Viral Matapos Pakyawin ang Panindang Saging ng Isang Lolo




Hinangaan ng mga netizen ang kabaitan ng isang police officer matapos nitong pakyawin lahat ng panindang prutas ng isang matanda. Trending online si Police officer Jojo Paguia dahil sa kanyang pagpapakita ng kabaitan at malasakit sa isang lolo. Kung saan naglalako ito ng panindang saging habang tirik na tirik ang araw.

Nang mapansin ni Paguia ang matanda ay hinarang niya ito, hindi para arestuhin kundi para tulungan si lolo. Pinakyaw ni Paguia ang panindang saging ng matanda upang ito daw ay makauwi na sa kanilang tahanan. Ayon kay Paguia ginawa niya ito dahil tirik ang araw at kawawa ang matanda kaysa namna mapagod ito at para hindi na masyado makasalamuha ng iba ibang tao. 





Talagang makikita na maraming pinoy parin ang nagmamalasakit sa isa’t isa at patunay na namumukadkad parin ang bayanihan natin. Maraming mga Pinoy na sa likod ng nangyayari sa atin ay patuloy na nagpapakita ng pagkapositibo sa buhay at pati narin ang pakikipag-kawanggawa sa iba pang tao. 

Dahil sa malas@kit ng pulis sa matanda ay napaluha umano ito sa tuwa. Ayon pa sa post, dinagdagan rin ni Paguia ang perang ibinayad kay lolo upang may panggastos pa siya sa mga susunod pa na araw. Ang viral post ay umano na ng 82,000 shares at 143,000 reactions as of 18 hours. Sana ay maraming mga kapulisan o tao pa ang maging katulad ni kuya na handang tumulong sa mga nangangailangan sa anumang oras. 

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga