Trending ang Kambal na Ito na Ipinangalanan ng Mcdo at Jollibee ng Kanilang Magulang




Nitong nakaraan lamang ay nag-trending ang isang pares ng kambal hindi dahil sa kanilang mga itsura, kundi dahil sa kanilang mga kakaibang pangalan. 

Ang dalawang kambal na ito ay sina Jollibee Pangindian at McDonald Pangindian. Naghatid ng aliw sa mga netizens ang dalawa nang hindi sinasadya dahil sa pangalang ibinigay sa kanila ng kanilang mga magulang na alinsunod mismo sa dalawang pinaka-mahigpit na magkalaban na kumpanya sa industriya ng fast food dito sa bansa. 



Ibinahagi ni Mark Lester Andrei Cruzet, isang malapit na kaibigan ng pamilya ng kambal, ang kwento sa likod ng pangalan ng dalawa. 



Lumaki si Mark Lester na halos nasa poder na ni Evelyn Pangindian, ito ang kanyang School Paper Adviser (SPA) mula elementarya at ina ng kambal. Ilang taon na rin itong malapit sa pamilya kaya alam niyang ang ama ng kambal ang nagbigay ng pangalan sa mga ito. 

Para umano sa kanilang ama ay magandang maging kakaiba ang pangalan ng dalawa upang madaling matandaan ng mga tao at matuwa ang mga ito tuwing nakikita sila. 

Maliban sa nakakaaliw na pangalan ng kambal ay mabubuting mga bata rin ang mga ito, ayon kay Mark Lester. Parang mga kapatid na rin niya ang dalawa kung kanyang ituring lalo pa't dahil sa lumipas na mga taon ay natulungan siya ng pamilya ng mga ito sa maraming bagay, katulad na lamang sa pinansyal at emosyonal na aspeto. 




Minsan na rin daw itong kinupkop ng mag-anak noong napalayas ito dati, kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Mark Lester sa pamilyang Pangindian. 

Ngayong nakapagtapos na sa Senior High ang kambal ay susunod na nilang haharapin ang buhay kolehiyo kung saan kailangan nilang makipagkilala muli sa ibang mga tao. Tiyak na kaaaliwan ng mga taong bagong darating sa buhay ng mga ito ang kanilang mga pangalan, gayunman ay tama ang kanilang ama na hinding-hindi sila makakalimutan ng mga ito kailanman.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!