Posts

Showing posts from July, 2020

Kahit Na Trabahong Panlalaki, Isang Ina Nakikipagsapalaran Sa Pagtatrabaho Bilang Isang Construction Worker

Image
Hindi madaling trabaho ang pagiging isang construction worker, bukod sa init ng araw na tinatamo ay andiyan pa ang pangamba dahil sa pag-akyat sa mga scaffolding sa mga ginagawang gusali. Kung kaya't ang trabahong ito ay tinatatawag na trabahong panlalaki. 
Ngunit mapapabilib ka sa isang ina na ito, dahil maging ang trabaho sa konstruksyon ay kanya na ring pinasok para lang may mapakain sa kanyang mga anak.
Sa isang episode ng Wish Ko Lang ay ibinahagi ang kwento ni Joan Diviva, isang ina na taga Laguna. Dati ay isa siyang fruit vendor at napangasawa ang construction worker na si Sherwin Lacao. Sa kanilang pagsasama ay biniyayaan sila ng tatlong anak.

Ngunit nang magsimula ang pandemya ay hindi na nakauwi ang kanyang asawa kung kaya't napilitan si Joan na kumayod mag-isa para mabuhay ang kanilang mga anak. Subalit ang kanyang negosyong pagtitinda ng prutas ay nalugi.
Dahil sa pangamba na baka malubog sila sa utang ay humanap si Joan ng ibang pagkakakitaan, at iyon na nga ay p…

Honest ‘Parking Boy’ na Nag-Viral noong 2017, Nakapagtapos ng Elementarya Matapos Dagsain ng Tulong!

Image
Nakakabilib ang katapatan ng isang batang lalaki kung saan isinauli niya sa may-ari ang napulot na pera matapos ito malaglag sa kaniyang bulsa. Dahil sa kaniyang mabuting ginawa ay nagbunga ito. Dumagsa ang tulong kay Andrey Macabuhay tinulungan siyang makapag-aral.
Kaya naman ngayong 2020 ay naiulat na nakapagtapos na si Andrey ng elementarya. Maaalala na noong 2017, inibahagi ni netizen Dindo Lorenzo ang kabaitang ginawa ni Andrey. Ito ay habang naglalakad siya sa parking lot at nahulog ang kaniyang pera sa bulsa nang hindi na namamalayan matapos kuhanin ang cellphone sa bulsa.




Papunta siyang McDonald sa branch ng Sta. Maria, Bulacan ng mangyari ito. Nahulog ang nagkakahalagang P7,000 sa bulsa ni Lorenzo, ngunit isinauli agad umano ito ng bata. Aniya, imbes na matukso sa pera ay hindi umano ito nagdalawang-isip na isauli. Maraming humanga sa katapatan ni Andrey kaya naman ipinagpala rin ang kaniyang kabutihan.
Ngayong Martes, ibinalita na makapagtapos na siya ng elementarya sa isan…

Friendship Goals! 3 Magkakaibigan,Sabay-Sabay na Nakamit ang Pangarap na Maging Doktor!

Image
Friendship goals ika nga kung maituturing ang pagkakaibigan ng tatlong dalaga kung saan sabay nilang naabot ang kanilang mga pangarap. Hinangaan ng mga netizens ang pagkakaibigan ng tatlong dalaga dahil hindi natinag ang kanilang friendship sa loob ng siyam na taon at ngayon ay pare-pareho na silang mga doktor.
Ayon sa GMA Public Affairs, magkakaibigan na simula high school sina Joieanne Marie Macarubbo, Marie Clare Perez at Jovine Martin. At sa loob ng siyam na taon ay naging mas matibay pa ang kanilang pagkakaibigan. Kaya naman sabay rin nilang naabot ang kanilang mga pangarap sa buhay at ngayon ay mga ganap na doktor na sila.




Ayon sa kanila, marami silang napagdaanan, maraming mga pagsubok, maraming mga problema, pag-iyak sa halos gabi-gabi, pagod at puyat sa araw araw lalo na noong sila ay clerkship, ngunit hindi naging hadlang ang mga ito at maging daan sa pagsuko. Ngayon ay siyam na taon na ang nakalipas at tanaw at abot na nila ang kanilang mga pangarap. 
Maraming mga netizens…

Lalaking may COVID-19, Laking Pasasalamat sa Mapagbigay na Kapitbahay at Tumulong sa Kanila

Image
Abot-abot ang pasasalamat ng isang lalaking positibo sa COVID-19 sa kaniyang kapitbahay matapos siyang makatanggap ng maraming pagkain mula dito. Ibinahagi ng isang lalaki ang kabutihan ng kaniyang kapitbahay dahil sa mga pagkaing ibinigay sa kanila. Hindi nabanggit ang pangalan ng lalaki, batay sa ulat ng Philippine Star ay abot-abot ang kaniyang pasasalamat at tuwa dahil binigyan sila ng kaniyang kapitbahay ng frozen goods, prutas, cooked foods, karne, isda, tubig, tinapay, vitamins, face masks, at iba pa.
Kwento pa niya, hindi niya inakalang makakatanggap ng grocery supplies mula sa kapitbahay dahil hindi naman umano sila magkakilala at kalilipat lang nila ng Valenzuela. Makikita naman sa mga larawan na may kalakip pang encouragement letter ang mula sa kapitbahay. Kaya naman naantig ang kaniyang damdamin sa kabaitan ng nasabing kapitbahay.




Ayon sa kaniya, nakakataba ng puso ang bigay ng mga kapitbahay dahil hindi naman nila ito kilala. Lalo pa 5 months palang daw silang nangungupa…

New Dorm na Itinayo ng DPWH para sa Quezon City Health Workers, Handa ng Matirhan!

Image
Natapos na din sa wakas ang temporary dorm na titirhan ng mga medical health workers sa Quezon City kung saan hindi na sila kailangang umuwi sa malalayong lugar. Itinayo ng Department of Public Works and Highways ang dormitoryo para sa mga medical personnel ng Lung Center of the Philippines na nasa hospital compound ng Quezon City.
Para sa mga Lung Center doctors, nurses at iba pang medical staff ay hindi na kailangan pa nilang bumyahe papauwi lalo pa at pagod sila sa panggamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19. Ang bawat dormitorya ay makakapag-accomodate ng 32 personnels. Bawat cluster ng dorm ay mayroong 16 airconditioned rooms at mayroon ring double-deckna kama para sa dalawang tao. Bawat kwarto ay mayroon ring toilet at bath with heater.



Maaari ring gamiting isolation room ang dorm kung sakaling mayroong staff na under monitoring o kaya’y nagpapagaling na medical staff. Mayroon ring living room, complete with TV and sofa, common dining, labahan at kusina na mayroon ng appli…

Lalaking Dishwasher Noon Na Kumikita Ng Php30 Kada Araw, Ngayon Ay Kumikita Na Ng Malaki Dahil Sa Pagiging Gamer

Image
Akala ng marami, na kapag ang isang tao ay isang gamer ay wala nang pupuntahan ang kanyang buhay dahil madalas na nakatutok lamang sila sa kanilang cellphone o computer at wala ng ibang ginagawa kung di maglaro ng mga online games.
Ngunit ang hindi nila alam, na mayroong mga gamers na bukod sa ginagawang libangan lamang ang paglalaro ay kumikita pa sila ng malaki.
Isang patunay rito ay ang vlogger/gamer na si Edgar Dumali. Ayon sa kanya, naglayas siya noon dahil gusto lang niyang mag-aral. Pinag-aral naman siya ng kanyang ama ngunit nawili siya sa paglalaro ng mga online games at kailangan niyang kumita.
Dahil malayo siya sa kanyang pamilya, naranasan ni Edgar na mamasukan sa iba't ibang mga trabaho upang masuportahan lamang ang kanyang sarili. At isa na sa mga napasukan niyang trabaho ay pagiging dishwasher sa isang palengke na kung saan ay kumikita lamang siya ng Php30 kada araw.
Bahagi rin niya na naranasan niyang magtrabaho sa isang panaderya ngunit hindi naging maganda ang k…

Anak, Nagbigay-Pugay sa Sakripisyo ng Yuma0n6 Ama na Isang Tricycle Driver!

Image
Proud na proud ang isang dalaga na ibida ang kanyang tricycle driver na ama dahil napagtapos silang magkakapatid ng kolehiyo at naipagamot din ang mga kapamilyang tinamaan ng matinding karamdaman. Umani ng maraming papuri at shares ang post ni netizen Jan Marini Capacio matapos niyang ibahagi sa kanyang social media ang kadakilaan ng kanyang yuma0ng ama.
Aniya, malaki ang naging sakripisyo ng kanyang ama para lang mapagtapos sila sa kanilang pag-aaral. Bunsong anak si Jan. Ikwenento niya ang hirap at pagsisikap ng kanyang amang si Nomeriano Capacio para maipon ng pera mula sa pamamasada at suma-sideline rin umano ito bilang dispatcher sa madaling araw.




Nang mga panahong iyon ay nagkaroon siya ng bon3 tum0r at na-str0k3 ang kanyang ina. Kaya naman todo kayod ang kanyang ama para may pampagamot sa kanila at pantustos sa kanilang pangangailangan. Taong 2018 nang magtapos si Jan sa Lyceum University of the Philippines na ginawaran ng excellence award ng pamantasan. Pero noong 2019 ay nau…

PWD na Food Panda Rider, Patuloy sa Pagtatrabaho sa Kabila ng Kondisyon at Banta ng COV1D-19

Image
Viral online ang isang larawan ng isang delivery man kung saan iisa lang ang kanyang binti at naka-crutches. Maraming netizen ang humanga sa pagsisikap ng Food Panda rider dahil sa kabila ng kondisyon nito ay patuloy pa rin ito sa pagtatrabaho. Ang larawan ay kuha ni netizen Reindon Liao sa Cebu City. Aniya, naantig siya sa ipinakitang sipag at tiyaga ng rider at nagbigay ito ng inspirasyon sa kanya.
Saad sa kanyang post, madalas umano siyang magreklamo sa kanyang trabaho at naging inspirasyon ang rider upang ma-appreciate niya ang kanyang trabaho. Dahil sa kabila ng kondisyon ng matanda ay nagagawa padin nitong magtapos ng trabaho. Nakakamangha at nais niya itong saluduhan at pasalamatan dahil sa paggawa nito ng isang magandang araw para sa kaniya. 





Nagmotiba ito para sa kaniya at sana ay patuloy na mag inspire ang matanda para sa ibang tao. Kahanga-hanga naman ang pagsisikap ng rider dahil sa kabila ng kondisyon nito at banta ng COV1D-19 ay patuloy itong nagsisikap sa buhay. Nangan…

You May Now Kiss the Bride with Facemask: Magkasintahan, Ikinasal sa Tarlac ng Naka Facemask

Image
Pinag-uusapan ngayon online ang tungkol sa nangyaring kasalan na isinagawa sa San Manuel, Tarlac ng mayor na si Donya Tesoro. Ang magkasintahan kasi na ikinasal ay nakasuot ng face mask maski noong naghalikan na ang mga ito. Habang ibinabahagi naman ni Mayor Donya sa kaniyang Instagram account ang mga nakakatuwang reaksyon ng mga netizen tungkol sa kasalan.
Sa pagsasailalim ng ilang lugar dito sa bansa sa mas maluwag na General Community Quarantine, pinahihintulutan na rin ang pagkakaroon ng kasalan ngunit mayroon pa ring susunding safety protocols. Marami nang magkasintahan na kinasal ngayong may COVID-19 pandemic ang nag-viral at naging usap-usapan online. Maski hindi muna pinapayagan ang pagpapakasal sa simbahan at civil wedding palang ang pwede, marami pa ring mga nagmamahalan ang hindi mapigilan ang pandemiya. 




Kamakailan ay naging usap-usapan naman online ang magkarelasyon na kinasal sa municipality ng San Manuel sa may Tarlac. Bukod kasi sa nakakatuwang mga litrato ng magkasin…

Mag-ama Naninirahan Na Lamang Sa Maliit Na Kariton Matapos Mawalan Ng Trabaho Ng Ama

Image
Napakalaki talaga ng epekto ng pandemya sa ating buhay ngayon. Bukod sa pag-iingat upang hindi mahawa ng sak!t na Covid-19, ay labis ring naapektuhan ang paghahanap buhay ng karamihan sa mga Pilipino.
Katulad na lamang ng mag-ama na ito na ngayon ay naninirahan na lamang sa isang maliit na kariton matapos mawalan ng trabaho ang ama bilang isang construction worker. Ang masaklap pa rito ay umaasa na lamang sila sa mga bigay na ayuda dahil ni makain ay wala na sila.

Nakilala ang ama bilang si Rodel Mojica, 46 taong gulang na kasama sa mga nawalan ng trabaho sa construction. Lalong mas mahirap ang kanyang pinagdadaanan dahil kasama niya ang kanyang 4 na taong gulang na anak na si Ruben na kailangan rin niyang buhayin.
Ngayon ay nakatira na lamang ang mag-ama sa isang 1x2 metrong kariton na binuo ni Rodel na gawa sa pinagtagpi-tagping mga plywood. Ito ang nagsisilbi nilang bahay na nakaparada sa may Pasig River sa may Guadalupe sa Makati City.
Napakasikip at napakaliit ng kanilang tiniti…

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Image
Nakakainspire ang kwento ng isang banyagang ito na taga Wales sa United Kingdom na tiniis ang hirap ng buhay dito sa Pinas kahit ilang beses na siyang naloko.
Ang 28 taong gulang na Welshman na si Anselm ay mas piniling manirahan na lamang sa Pilipinas simula noong taong 2016 simula noong makapangasawa siya ng isang Filipina na taga Davao City.  Katulad rin ng ibang mga foreigners, ay napamahal na sa kanya ang Pilipinas dahil nabighani siya sa kultura at ganda nito.
Ngunit sa kabila ng pagpili niya na mamuhay dito, ay isang dagok ang sumubok sa kanyang buhay. Maraming Pinoy ang nagsamantala sa kanyang kabaitan at ilang beses pa siyang naloko.
Dahil kailangan niyang humanap ng mapagkakakitaan at buhayin ang kanyang pamilya, napagdesisyunan niya na magtayo ng negosyong fishpond kahit na wala siyang background sa ganitong uri ng trabaho at walang koneksyon.
Ilang buwan siyang nagsanay kung papaano manghuli ng mga isda at kung paano niya ito mabebenta. Pinag-aralan rin niya kung paano ma…

Tatay at 4-Anyos na Anak, Nakatira sa Kariton Matapos Mawalan ng Trabaho ang Tatay

Image
Viral sa social media ang larawan ng mag-ama kung saan nakatira lamang sila ngayon sa isang kariton. Si Mang Rodel Mojica, apat na put anim na taib gulang at kasama ang anak si Ruben, apat na taong gulang ay kasalukuyang nakatira sa isang 1×2 meter na kariton. Nakatira sila ngayon sa bangketa sa may Pasig River sa Guadalupe, Makati City.
Ayon sa ulat, nawalan ng traabho bilang laborer sa isang construction company si Mang Rodel. Dahil sa hirap ng buhay ay minabuti niya na gumawa ng matitirhan nilang mag-ama. Mahirap umano ang kanilang kalagayan ngunit wala siyang magagawa kundi magsumikap para sa kaniyang anak. Ang karitong gawa ni Mang Rodel ay masikip na pinagkakasya nilang dalawa ng kaniyang anak. 




Mayroon pa itong maliit na lagayan ng kanilang damit sa loob at may bintana rin upang makaamoy ng preskong hangin. Ganyan ang kanilang tahanan, bagama’t maliit ay malaking tulong ito sa kanila upang may masilungan sa oras ng tag-ulan.
Masaya naman daw sila dahil ang importante ay magkas…

Nanay Na Bumagsak Ang Negosyong Print Shop, Muling Nakabangon Sa Pagtitinda Ng Manok At Kumikita Ng Php50k Kada Araw

Image
Malaki ang naging epekto ng pandemya sa ating araw-araw lalo na sa ating kabuhayan. Maraming mga negosyo ang nagsara, mga empleyadong nawalan ng trabaho, at mas lalong naghirap ang iba nating mga kababayan.
Ngunit para sa mga ilan, hindi ito ang panahon upang sumuko nawa'y naging daan pa ito upang sila ay makabangon sa hirap ng buhay.
Nakakainspire ang istorya ng isang single mom na ito taga Quezon City na nakilala bilang si Minda Nacario. Simula kasi noong Marso nang magsimula ang lockdown ay isinara muna niya ang kanyang negosyong printing shop dahil bumagsak na ang kita nito dahil wala ng customer na nag-aavail ng mga serbisyo nito.
Bukod sa nawalan siya ng hanapbuhay ay nakipaghiwalay rin siya sa kanyang asawa kaya naman mag-isa na lang niyang binubuhay ang kanyang anak. Umabot sa punto na walang-wala na talaga siya, ni hindi man niya maibili ng diaper ang kanyang anak at asukal na lamang ang pinapakain nito.
Bahagi niya,
"Dumating yung time na yung baby ko walang diaper …