Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Photo Credits: Becoming Filipino FB Page


Nakakainspire ang kwento ng isang banyagang ito na taga Wales sa United Kingdom na tiniis ang hirap ng buhay dito sa Pinas kahit ilang beses na siyang naloko.

Ang 28 taong gulang na Welshman na si Anselm ay mas piniling manirahan na lamang sa Pilipinas simula noong taong 2016 simula noong makapangasawa siya ng isang Filipina na taga Davao City. 
Katulad rin ng ibang mga foreigners, ay napamahal na sa kanya ang Pilipinas dahil nabighani siya sa kultura at ganda nito.

Ngunit sa kabila ng pagpili niya na mamuhay dito, ay isang dagok ang sumubok sa kanyang buhay. Maraming Pinoy ang nagsamantala sa kanyang kabaitan at ilang beses pa siyang naloko.
Photo Credits: Becoming Filipino FB Page

Dahil kailangan niyang humanap ng mapagkakakitaan at buhayin ang kanyang pamilya, napagdesisyunan niya na magtayo ng negosyong fishpond kahit na wala siyang background sa ganitong uri ng trabaho at walang koneksyon.

Ilang buwan siyang nagsanay kung papaano manghuli ng mga isda at kung paano niya ito mabebenta. Pinag-aralan rin niya kung paano mamangka at ihanda kung anu man ang kanyang mga kakailanganin para sa kaniyang fishpond.

Ayon sa kanya ay mayroon namang mga mabuting tao na tumulong sa kanya, at mayroon din namang nais lamang manamantala dahil isa siyang dayuhan dito sa bansa.
Photo Credits: Becoming Filipino FB Page

Pero hindi ito naging hadlang upang tumigil siya sa kanyang sinimulan, nawa'y nagpursigi pa siya upang matutunan ang kultura at pamumuhay sa kanilang lugar. At natuto na rin siya sa tulong ng mga tao sa kanilang komunidad sa Brgy. Baybay at marunong na rin siyang mag-Bisaya na mas nakakatulong sa pagbebenta niya ng mga isda sa palengke.

Noong nakaraang Oktubre ay nakapag-harvest na siya ng kanyang mga alagang alimango ngunit malaki ang kanyang nalugi. Pero pinagpatuloy pa rin niya ito at hindi sumuko. Noong Pebrero ay sinubukan niyang mag-alaga ng mga bangus at sa wakas ay naging matagumpay naman ito subalit dumating naman ang pandemya.
Photo Credits: Becoming Filipino FB Page

Naranasan rin niyang manirahan sa isang barong-barong na malapit sa kaniyang fishpond upang makatipid sa pagbi-byahe at sa loob ng ilang buwan ay tinitiis niya ang walang kuryente at walang maayos na patubig.

Bagamat ganito man ang sakripisyo ni Anselm ngayon, sa kanyang determinasyon at hindi pagsuko at tiyak na magiging matagumpay rin ang kanyang negosyo pagdating ng panahon.


Comments

  1. Dun sa mga babaeng naging karelasyon nya isa lang masasabi ko sa inyo wala kayong kwenta pag babayaran nyo din yang ginawa nyo sa tao nakakahiya kayo bilang Pilipino 😠😠😠

    ReplyDelete
  2. Kapitan Daot may youtube channel sya Kasama sya ngaun ni Kulas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong name ng youtube nia

      Delete
    2. Becoming Filipino na fi-feature siya palagi jan..hindi pa xa nag v-vlog sa youtube..wala pa videos acct niya under kumamder Daot na name po.

      Delete
    3. Kumamder Daot, he’s always featured by his canadian friend youtube vlogger in #becomingfilipino vlogs.

      Delete
  3. Sa mga namamantalang kapwa pilipino makisama naman kayo ng maayos sa mga dayohan kung ayaw nyong gawin sainyo ang ganoong sitwasyon.

    ReplyDelete
  4. Hahaha hindi lasi ako ang nakilala nya.kung ako lang sana.......di mangyayari sa kanya yan.😎

    ReplyDelete
  5. Naku Kung nakilala lng din Kita nung mga panahong wla pa akong anak .. ndi rin Sana ako ganito, niloko din Kasi ako ng ama ng mga anak ko..

    ReplyDelete
  6. Kwawa nmn..bakit ba may mga taong nanloloko..bukod sa nanloko n msaya p at mayabang...d nkokonsensya....

    ReplyDelete
  7. Nakakahiya sa ibang lahi. Nakakalungkot lang dahil maraming pinoy ang nanloko sa kanya.

    ReplyDelete
  8. IBANG LAHI NGA NAG PUPURSIGI SA SAATING BAYAN TAYO PA KAYANG NANNIRAHAN DTO KEEP IT UP MEN SANA AKO RIN PALARIN NA GOD BLESS YOU ALL .

    ReplyDelete
  9. GOD BLESS YOU GIRL WHOEVER YOU ARE?
    ANSELM GOD BLESS YOU MORE COZ YOU NEVER GIVE UP.
    NEVER GIVE UP YOUR HIGH SPIRITS FOR HOPE.

    ReplyDelete
  10. Kumander Daot is with Kulas #Becoming Filipino they are in Cateel Davao

    ReplyDelete
  11. Karma is real dahil magic na ngaun ang karma,mga mukhng pera mapanglamang sa kapwa kau din mag aani nyan

    ReplyDelete
  12. Laban Lang kahit maraming pagsubok

    ReplyDelete
  13. Tama kng ako pa din Ang nakilala nya iingatan ko sya hit sa pag ingat ko sa sarili ko

    ReplyDelete
  14. Wag nyong gawin sa iba Kung ayaw nyo gawin sa inyo buti nalang napunta sa mga may mabubuting puso🙏

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre