Friendship Goals! 3 Magkakaibigan,Sabay-Sabay na Nakamit ang Pangarap na Maging Doktor!


Friendship goals ika nga kung maituturing ang pagkakaibigan ng tatlong dalaga kung saan sabay nilang naabot ang kanilang mga pangarap. Hinangaan ng mga netizens ang pagkakaibigan ng tatlong dalaga dahil hindi natinag ang kanilang friendship sa loob ng siyam na taon at ngayon ay pare-pareho na silang mga doktor.

Ayon sa GMA Public Affairs, magkakaibigan na simula high school sina Joieanne Marie Macarubbo, Marie Clare Perez at Jovine Martin. At sa loob ng siyam na taon ay naging mas matibay pa ang kanilang pagkakaibigan. Kaya naman sabay rin nilang naabot ang kanilang mga pangarap sa buhay at ngayon ay mga ganap na doktor na sila.





Ayon sa kanila, marami silang napagdaanan, maraming mga pagsubok, maraming mga problema, pag-iyak sa halos gabi-gabi, pagod at puyat sa araw araw lalo na noong sila ay clerkship, ngunit hindi naging hadlang ang mga ito at maging daan sa pagsuko. Ngayon ay siyam na taon na ang nakalipas at tanaw at abot na nila ang kanilang mga pangarap. 

Maraming mga netizens ang natuwa at nainggit sa mga ito dahil sa pagkakaibigan na mayroon sila at sabay pa nilang tinupad ang kanilang mga pangarap. Kaya naman bumuhos online ang pagbati at papuri sa tatlo. Sana ay marami pang mga kabataan ang maging inspirasyon sila na sama samang abutin ang mga pangarap lalo na walang imposible. Dahil dito ay mas lumalim pa tuloy ang kanilang pagsasamahan na tiyak ay ikaka-tagumpay nilang lalo!

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa