Honest ‘Parking Boy’ na Nag-Viral noong 2017, Nakapagtapos ng Elementarya Matapos Dagsain ng Tulong!




Nakakabilib ang katapatan ng isang batang lalaki kung saan isinauli niya sa may-ari ang napulot na pera matapos ito malaglag sa kaniyang bulsa. Dahil sa kaniyang mabuting ginawa ay nagbunga ito. Dumagsa ang tulong kay Andrey Macabuhay tinulungan siyang makapag-aral.

Kaya naman ngayong 2020 ay naiulat na nakapagtapos na si Andrey ng elementarya. Maaalala na noong 2017, inibahagi ni netizen Dindo Lorenzo ang kabaitang ginawa ni Andrey. Ito ay habang naglalakad siya sa parking lot at nahulog ang kaniyang pera sa bulsa nang hindi na namamalayan matapos kuhanin ang cellphone sa bulsa.





Papunta siyang McDonald sa branch ng Sta. Maria, Bulacan ng mangyari ito. Nahulog ang nagkakahalagang P7,000 sa bulsa ni Lorenzo, ngunit isinauli agad umano ito ng bata. Aniya, imbes na matukso sa pera ay hindi umano ito nagdalawang-isip na isauli. Maraming humanga sa katapatan ni Andrey kaya naman ipinagpala rin ang kaniyang kabutihan.

Ngayong Martes, ibinalita na makapagtapos na siya ng elementarya sa isang pribadong paaralan. Dahil sa naging karakter ni Andrey na ipinakita sa pamamagitan ng pagbabalik ng hindi kaniyang gamit ay talaga namang makikita na siya ay nagtagumpay sa buhay. Isa ito sa maaring ipagmalaki niya na siya ay nakatapos ng kaniyang pag-aaral sa tulong ng mga ibang tao. Dahil sa kaniyang katapatan ay doble dobleng biyaya ang kaniyang natamo at nakamit sa buhay! 

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote