Lalaking Dishwasher Noon Na Kumikita Ng Php30 Kada Araw, Ngayon Ay Kumikita Na Ng Malaki Dahil Sa Pagiging Gamer

Photo Credit: GMA News Online


Akala ng marami, na kapag ang isang tao ay isang gamer ay wala nang pupuntahan ang kanyang buhay dahil madalas na nakatutok lamang sila sa kanilang cellphone o computer at wala ng ibang ginagawa kung di maglaro ng mga online games.

Ngunit ang hindi nila alam, na mayroong mga gamers na bukod sa ginagawang libangan lamang ang paglalaro ay kumikita pa sila ng malaki.

Isang patunay rito ay ang vlogger/gamer na si Edgar Dumali. Ayon sa kanya, naglayas siya noon dahil gusto lang niyang mag-aral. Pinag-aral naman siya ng kanyang ama ngunit nawili siya sa paglalaro ng mga online games at kailangan niyang kumita.
Photo Credit: GMA News Online

Dahil malayo siya sa kanyang pamilya, naranasan ni Edgar na mamasukan sa iba't ibang mga trabaho upang masuportahan lamang ang kanyang sarili. At isa na sa mga napasukan niyang trabaho ay pagiging dishwasher sa isang palengke na kung saan ay kumikita lamang siya ng Php30 kada araw.

Bahagi rin niya na naranasan niyang magtrabaho sa isang panaderya ngunit hindi naging maganda ang kanyang karanasan doon dahil pinapatulog sila sa tabi ng mga baboy. 

Aniya, "Napapaluha ako kapag naaalala ko yung mga pinagdaanan ko."

Mula rito ay nabaling ang kanyang atensyon sa paglalaro ng online games na maging ang kanyang mga kapatid ay hindi sang-ayon sa kanyang ginagawa. Dahil ang pag-aakala nila ay wala namang mapupuntahan ang kanyang hinaharap kung magiging gamer na lamang siya. 

Pero imbes na magpadala sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanya ay lalo pa siyang nagpursigi. Pinatunayan niya na ang kanyang paglalaro ng online games ang siyang magpapabago ng kanyang buhay.
Photo Credit: GMA News Online

Bukod sa pag-gaming ay naghanap siya ng ibang paraan na kung saan kikita siya ng pera at dito ay pinasok niya ang mundo ng vlogging at live streaming. Makalipas ng ilang taon ay nakapag-ipon na siya at nagpapatayo na ng bahay para sa kanyang pamilya.

Sino ba naman ang mag-aakala na bukod sa nag-eenjoy na siya sa kanyang ginagawa ay kumikita pa siya ng pera.



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!