Lalaking may COVID-19, Laking Pasasalamat sa Mapagbigay na Kapitbahay at Tumulong sa Kanila




Abot-abot ang pasasalamat ng isang lalaking positibo sa COVID-19 sa kaniyang kapitbahay matapos siyang makatanggap ng maraming pagkain mula dito. Ibinahagi ng isang lalaki ang kabutihan ng kaniyang kapitbahay dahil sa mga pagkaing ibinigay sa kanila. Hindi nabanggit ang pangalan ng lalaki, batay sa ulat ng Philippine Star ay abot-abot ang kaniyang pasasalamat at tuwa dahil binigyan sila ng kaniyang kapitbahay ng frozen goods, prutas, cooked foods, karne, isda, tubig, tinapay, vitamins, face masks, at iba pa.

Kwento pa niya, hindi niya inakalang makakatanggap ng grocery supplies mula sa kapitbahay dahil hindi naman umano sila magkakilala at kalilipat lang nila ng Valenzuela. Makikita naman sa mga larawan na may kalakip pang encouragement letter ang mula sa kapitbahay. Kaya naman naantig ang kaniyang damdamin sa kabaitan ng nasabing kapitbahay.





Ayon sa kaniya, nakakataba ng puso ang bigay ng mga kapitbahay dahil hindi naman nila ito kilala. Lalo pa 5 months palang daw silang nangungupahan sa Valenzuela. Kasalukuyang naka-home quarantine ngayon ang lalaki. Kasama umano niya sa bahay ang kaniyang 14 anyos na nakababatang kapatid at asawa na buntis.

Samantala, ayon sa ulat ay nakatakdang ilipat ng Valenzuela CESU ang lalaki ngayong araw sa isang isolation facility. Maraming netizen naman ang naantig sa kwento dahil sa kabila ng kanilang kinakaharap na pagsubok dahil sa coronav1rus ay may nagmamalasakit rin sa kanila. Tunay na talagang tulungan ang mga Pilipino at mapag-bigay padin ang halos karamihan para sa kanilang mga kababayan.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse