Nanay Na Bumagsak Ang Negosyong Print Shop, Muling Nakabangon Sa Pagtitinda Ng Manok At Kumikita Ng Php50k Kada Araw



Photo Credit: GMA News Online/ Google Images


Malaki ang naging epekto ng pandemya sa ating araw-araw lalo na sa ating kabuhayan. Maraming mga negosyo ang nagsara, mga empleyadong nawalan ng trabaho, at mas lalong naghirap ang iba nating mga kababayan.

Ngunit para sa mga ilan, hindi ito ang panahon upang sumuko nawa'y naging daan pa ito upang sila ay makabangon sa hirap ng buhay.

Nakakainspire ang istorya ng isang single mom na ito taga Quezon City na nakilala bilang si Minda Nacario. Simula kasi noong Marso nang magsimula ang lockdown ay isinara muna niya ang kanyang negosyong printing shop dahil bumagsak na ang kita nito dahil wala ng customer na nag-aavail ng mga serbisyo nito.
Photo Credit: GMA News Online

Bukod sa nawalan siya ng hanapbuhay ay nakipaghiwalay rin siya sa kanyang asawa kaya naman mag-isa na lang niyang binubuhay ang kanyang anak. Umabot sa punto na walang-wala na talaga siya, ni hindi man niya maibili ng diaper ang kanyang anak at asukal na lamang ang pinapakain nito.

Bahagi niya,

"Dumating yung time na yung baby ko walang diaper tapos nagkasakit siya, sabi ko wala akong pambili ng gamot hanggang sa dumating yung time na pakainin ko na lang siya ng asukal. Kaya sabi ko, maghahanap talaga ako ng paraan kung paano ako makakuha ng pera, paano ako makaipon, paano makapagtinda-tinda.

Sa sinimulang puhunan lamang na P2,500 at ilang piraso ng binebentang manok online ay ito pala ang magiging daan upang muli siyang makabalik sa paghahanap buhay. Naimbitahan rin siya na magbenta sa fresh market on-wheels sa kanilang lugar. Di kalaunan ay pumatok ang negosyo ni Minda at mas lalo pa niya itong napalago.
Photo Credit: GMA News Online

Mula lamang sa maliit na puhunan ay kumikita na siya ngayon ng P50,000 kada araw. Nakapagpundar na rin siya ng tatlong pwesto at nagpapagawa ng storage para sa kanyang mga paninda. 

Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nakabili na rin siya ng dalawang sasakyan. Bukod pa rito ay  natulungan at nabigyan niya rin ng trabaho ang kanyang mga kamag-anak. 

Wala talagang imposible, kung papairalin lamang ang sipag, tiyaga at diskarte.

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre