New Dorm na Itinayo ng DPWH para sa Quezon City Health Workers, Handa ng Matirhan!
Natapos na din sa wakas ang temporary dorm na titirhan ng
mga medical health workers sa Quezon City kung saan hindi na sila kailangang
umuwi sa malalayong lugar. Itinayo ng Department of Public Works and Highways
ang dormitoryo para sa mga medical personnel ng Lung Center of the Philippines
na nasa hospital compound ng Quezon City.
Para sa mga Lung Center doctors, nurses at iba pang medical
staff ay hindi na kailangan pa nilang bumyahe papauwi lalo pa at pagod sila sa
panggamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19. Ang bawat dormitorya ay
makakapag-accomodate ng 32 personnels. Bawat cluster ng dorm ay mayroong 16
airconditioned rooms at mayroon ring double-deckna kama para sa dalawang tao.
Bawat kwarto ay mayroon ring toilet at bath with heater.
Maaari ring gamiting isolation room ang dorm kung sakaling
mayroong staff na under monitoring o kaya’y nagpapagaling na medical staff. Mayroon
ring living room, complete with TV and sofa, common dining, labahan at kusina
na mayroon ng appliances. Ayon kay Sec. Mark Villar, ang gobyerno ay tumutulong
upang maibsan ang pang-araw-araw na pinagdadaanan ng mga medical workers sa
pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang unit ng ‘We Heal As One Offsite Dormitory
for Medical Personnel’.
Bawat Pilipino talaga ngayon sa panahon na ito ay
makikitaaan ng bayanihan at pakikipagkapwa tao upang maging hakbang sa paglaban
sa ating nararanasang pand3mya. Tunay lang na talagang ang bawat Pilipino ay
nagmamahalan sa kapwa tao nila at alam natin na mapapagtagumpayan natin ang mga
ganitong bagay! #WeHealAsOne #BangonPilipinas
Comments
Post a comment