PWD na Food Panda Rider, Patuloy sa Pagtatrabaho sa Kabila ng Kondisyon at Banta ng COV1D-19




Viral online ang isang larawan ng isang delivery man kung saan iisa lang ang kanyang binti at naka-crutches. Maraming netizen ang humanga sa pagsisikap ng Food Panda rider dahil sa kabila ng kondisyon nito ay patuloy pa rin ito sa pagtatrabaho. Ang larawan ay kuha ni netizen Reindon Liao sa Cebu City. Aniya, naantig siya sa ipinakitang sipag at tiyaga ng rider at nagbigay ito ng inspirasyon sa kanya.

Saad sa kanyang post, madalas umano siyang magreklamo sa kanyang trabaho at naging inspirasyon ang rider upang ma-appreciate niya ang kanyang trabaho. Dahil sa kabila ng kondisyon ng matanda ay nagagawa padin nitong magtapos ng trabaho. Nakakamangha at nais niya itong saluduhan at pasalamatan dahil sa paggawa nito ng isang magandang araw para sa kaniya. 






Nagmotiba ito para sa kaniya at sana ay patuloy na mag inspire ang matanda para sa ibang tao. Kahanga-hanga naman ang pagsisikap ng rider dahil sa kabila ng kondisyon nito at banta ng COV1D-19 ay patuloy itong nagsisikap sa buhay. Nangangahulugan lamang na hindi hadlang ang kanyang kapansanan sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanyang trabaho. 

Sana ay marami pa ang katulad ng mama na ito na magbigay ng inspirasyon para sa mga kabataan. Maraming Pilipino kasi ang naniniwala na ang kabataan ang susi para sa kinabukasan. Sana ay magsumikap mag-aral ang mga kabataan upang makamit din nila ang nais nilang mga mithiin sa buhay at mapagtagumpayan ang lahat ng mga bagay na kanilang gusting tahakin. 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!