Tatay at 4-Anyos na Anak, Nakatira sa Kariton Matapos Mawalan ng Trabaho ang Tatay




Viral sa social media ang larawan ng mag-ama kung saan nakatira lamang sila ngayon sa isang kariton. Si Mang Rodel Mojica, apat na put anim na taib gulang at kasama ang anak si Ruben, apat na taong gulang ay kasalukuyang nakatira sa isang 1×2 meter na kariton. Nakatira sila ngayon sa bangketa sa may Pasig River sa Guadalupe, Makati City.

Ayon sa ulat, nawalan ng traabho bilang laborer sa isang construction company si Mang Rodel. Dahil sa hirap ng buhay ay minabuti niya na gumawa ng matitirhan nilang mag-ama. Mahirap umano ang kanilang kalagayan ngunit wala siyang magagawa kundi magsumikap para sa kaniyang anak. Ang karitong gawa ni Mang Rodel ay masikip na pinagkakasya nilang dalawa ng kaniyang anak. 





Mayroon pa itong maliit na lagayan ng kanilang damit sa loob at may bintana rin upang makaamoy ng preskong hangin. Ganyan ang kanilang tahanan, bagama’t maliit ay malaking tulong ito sa kanila upang may masilungan sa oras ng tag-ulan.

Masaya naman daw sila dahil ang importante ay magkasama sila at maibibigay niya ang kailangan ng anak. Saad pa sa ulat ng 24 oras, nawala ang kaniyang misis na nagkaroon ng tuberculosis noong nakaraang taon lang, kaya naman naiwan silang dalawa ng kaniyang anak. Ngunit talagang pinapakita ni Mang Rodel na kung may nais talaga ay magagawan ng paraan at tunay na pinapakita niya na kahit anong mangyari ay magsasama at magsasama sila ng kaniyang anak sa hirap at ginhawa. 


Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre