You May Now Kiss the Bride with Facemask: Magkasintahan, Ikinasal sa Tarlac ng Naka Facemask



Pinag-uusapan ngayon online ang tungkol sa nangyaring kasalan na isinagawa sa San Manuel, Tarlac ng mayor na si Donya Tesoro. Ang magkasintahan kasi na ikinasal ay nakasuot ng face mask maski noong naghalikan na ang mga ito. Habang ibinabahagi naman ni Mayor Donya sa kaniyang Instagram account ang mga nakakatuwang reaksyon ng mga netizen tungkol sa kasalan.

Sa pagsasailalim ng ilang lugar dito sa bansa sa mas maluwag na General Community Quarantine, pinahihintulutan na rin ang pagkakaroon ng kasalan ngunit mayroon pa ring susunding safety protocols. Marami nang magkasintahan na kinasal ngayong may COVID-19 pandemic ang nag-viral at naging usap-usapan online. Maski hindi muna pinapayagan ang pagpapakasal sa simbahan at civil wedding palang ang pwede, marami pa ring mga nagmamahalan ang hindi mapigilan ang pandemiya. 





Kamakailan ay naging usap-usapan naman online ang magkarelasyon na kinasal sa municipality ng San Manuel sa may Tarlac. Bukod kasi sa nakakatuwang mga litrato ng magkasintahan, maugong din ang pangalan ngayon ng kanilang mayor na siya ring nangasiwa ng kasal: si Mayor Donya Tesoro. Sa kaniyang Facebook page ay ibinahagi ni Mayor Donya ang litrato ng bagong kasal na sina Mr. and Mrs. Biason. Makikita sa mga litrato na nakasuot ng face mask ang magkasintahan at si mayor Donya habang nangangasiwa ng kasal.

Maski nang maghahalikan na ang dalawang bagong kasal ay nakasuot pa rin ang mga ito ng face mask na requirement umano ng civil registrar. Matatandaan na umugong ang pangalan ni Mayor Donya matapos mapansin ng mga Pinoy netizen ang kaniyang ganda at galing sa pamamalakad sa kaniyang mga nasasakupan sa gitna ng COVID-19 pandemic. 

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse