Posts

Showing posts from August, 2020

Bilis Maubos! Fresh Na Gulay, Binebenta Lamang Ng Php100 Kada Balot

Image
Kung marami sa mga paninda ngayon ang nagtaas dulot ng pandemya, mayroon namang mga magsasaka na nagkaroon ng sobra sobrang ani ng mga prutas at gulay dahil hindi na nila ito maibenta. Kung kaya't ang ilan ay itinatapon na lamang ang mga ito.
Marami ang magsasabi na sayang dahil marami pa sana ang makikinabang. Kaya naman ang isang magsasaka na ito ay natagpuang nagtitinda ng bagsak presyong mga naka-pack na iba't ibang gulay sa may Pampanga, sa Lanang sa Davao City sa harap ng Dusit Thani.

Bahagi ng netizen na si Abi Araullo Intia sa isang Facebook post, 
"Grabe ka sulit sa 100 pesos. Kompleto na ang pang pakbet and chopsuey ninyo. Fresh from Kapatagan farm ingon si Kuya.
Every hapon sila naga pwesto sa Pampanga, fronting Dusit Thani Lanang Davao City.  #SupportLocal"
Naibahagi niya ito nang makabili ng gulay sa nasabing tindero na nakilala bilang si Tatay Crizaldo. Kung isang daang piso lang ang iyong budget ay tiyak na swak na swak na ang paninda ni kuya dahil marami…

Dating Seaman Na Hindi Nakabalik Sa Pagsampa Sa Barko, Kumikita Ngayon Dahil Sa Paghahalaman

Image
Mahirap mawalan ng trabaho lalo na ngayong may pandemya. Katulad na lamang ng 54 taong gulang na dating seaman na ito na si Ely Feria. Sa loob ng 27 taon ay ang pagsampa sa barko bilang isang seaman ang bumubuhay sa kanyang pamilya.
Natapos ang kanyang kontrata noong 2018, ngunit ngayong taon sana ay sasampa siyang muli upang magtrabaho ngunit sa kasamaang palad ay hindi natuloy dulot ng pandemya. 
Naging malaki ang pagbabago sa kanilang pamumuhay dahil noon na nagtatrabaho siya sa barko ay kumikita siya ng Php180,000 kada buwan. Pero dahil sa pagkakatigil sa pagtatrabaho, tiis tiis muna sila ng kanyang pamilya.


Ang asawa ni Ely na si Shiela ay may maliit namang negosyo na bilyaran at computer shop ngunit dahil sa lockdown ay naapektuhan rin ang kita nito.
Wika ni Ely,
"Malaki ang kawalan talaga ng finances. Mahirap mag-adjust, lalo na yung mga bata nasanay silang kung may gusto sila maibibigay namin."
Pero imbes na panghinaan ng loob si Ely, ay nag-isip silang mag-asawa ng …

Bata, Matiyagang Nag-aabang Ng Bibili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Nag Tirik Ang Araw

Image
Imbes na naglalaro kasama ang ibang mga bata, tinitiis ng 10 taong gulang na batang ito ang mainit na araw sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng mga motoristang nais bumili ng kanyang mga panindang kabute. 
Naging parte na ng kabataan ng mga lokal sa Cordillera ang mangolekta ng mga kabute o mushroom na kung tawagin nila ay 'bo-o'. Ito ay mga organic mushrooms na binibili rin ng kanilang kapwa mga lokal dahil sa health benefits na hatid nito.
Kung kaya't ang batang si Jessie Almoza ay matiyagang naghihintay sa gilid ng kalsada na may motoristang dumaan upang bumili ng kanyang mga paninda. Sa unang tingin ay akala mo ay tila isang batang nagpapahinga lang sa maliit na ginawang silong na ito. 
Ngunit kung maririnig siya ay sinisigaw niya ang kanyang paninda na kung tawagin nila ay "bo-o." Sa kanyang maliit na pwesto ay doon siya naghihintay na may bumili kahit na tirik at mainit ang araw. Ang kanyang munting silong ay nasa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itog…

Lalaking Nawalan Ng Trabaho, Nag-alok Na Maglinis Ng Kanal Ng Iba Para May Maipambili Ng Pagkain Para Sa Pamilya

Image
Hirap pa rin ang kalagayan ng karamihang mga Pilipino ngayon dulot ng pandemya. Ang iba, naghanap na ng iba't ibang paraan ng pagkakakitaan dahil na rin sa pagkakatanggal sa trabaho. 
Katulad na lamang ng isang lalaki na ito na nakilala bilang si Rey Raymond Rivera na ibinihagi ng netizen na si Francis Jun sa pamamagitan ng isang Facebook post
Bahagi ni Francis na maaga pa lang ay may lumapit sa kanyang isang lalaki sa kanyang tindahan na sa pag-aakala niya ay bibili lamang. Ngunit noong tanungin niya ito, sabi ng lalaki ay kung pwede raw ba niyang linisin ang kanal para may maiuwi sa kanyang pamilya. 
Wala raw kasi siyang trabaho at saka lumalabong na rin ang mga damo sa may kanal. Ayaw pa sanang pumayag ni Francis dahil siya naman talaga ang naglilinis sa kanal na tapat nila. Ngunit sa kalaunan ay pumayag na lamang siya dahil naawa siya sa lalaki. 

Dagdag ni Francis,
"Kaya kung makaka-abot sa inyo si kuya at makiusap, sana pagbigayan niyo na para makatulong naman. Mahirap…

Paano ba Maiiwasan ang Masyadong Pagkalulong sa Gadget ng iyong Anak?

Image
Sa panahon ngayon bahagi ng ating pangaraw-araw na buhay ang gadgets, internet at social media. Sino ba naman ang hindi malululong dito lalo na maraming mga bagong nauuso sa online na talaga namang kinagigiliwan ng karamihan mapabata man o matanda. Ngunit ano man ang ating edad ay dapat na magkaroon ng limit sa paggamit nito. Hindi masamang gumamit ng gadgets subalit kailangan talagang maging responsable sa paggamit nito upang hindi makasama sa kalusugan.Paano mo malalaman kung sobra na ang paggamit ng gadget ng iyong anak?

Ayon sa dalubhasa, ang pagkalulong sa gadgets ay nangyayari kapag nagdudulot ito ng problema sa bahagi ng buhay ng iyong anak. Tulad na lang sa sitwasyong na madalas ayaw kumain, mahirap  utusan o hindi makausap. Bukod pa rito, senyales rin ng screen addiction ang paghawak kaagad o paghanap sa gadgets pagkasiging pa lang sa umaga. Kaya naman alamin at basahin ang sumusunod upang malaman kung ano ang mga senyales nito.
Obserbahan ang iyong anak kung nakikitaan ng gani…

Limang Tips Para Makatulong sa inyo kung kayo ay Overwhelmed na sa Dami ng Trabaho

Image
Sa dami ng stressors saatingbuhayngayonhindinamaiiwasanang ma-overwhelm tayosaating mga daily tasks natila ba parang iniisip pa lamangnatinangating mga problema ay napapagodnatayo at walanatayongna-aaccomplicesapagkat stressed

80 pesos lamang kada araw ang Bayad sa Hotel na ito sa Japan Subalit mayroong Kakaibang Pakulo Bago mo ito Marentahan

Image
Ang Japan ay isa sa mga bansa na talaga namang pinapangarap na mapuntahan ng karamihan sa atin. Maliban kasi sa magagandang tanawin ay buhay na buhay pa rin ang kultura nito kahit sa kasalukuyang panahon. Mayaman rin ito sa kakaibang pagkain at mga libangan na maaring subukan kaya naman hindi nakakapagtakang maraming turista ang dumarayo dito taun-taon. Iba't-ibang klase rin ng mga hotel ang maaring matagpuan sa Japan at bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang pakulo upang makaakit ng mga turista.
Isa na nga dito ang hotel na tinatawag na Ryokan Asahi at matatagpuan ito sa syudad ng Fukouka sa isla ng Kyushu Island. Naging viral sa social media ang nasabing hotel hindi lamang sa napakamurang presyo ng kwarto nito kundi pati na rin sa kakaiba nilang patakaran na kailangan sundin ng bawat bibisita dito.
Nagkakahalaga lamang ng $1.60 o di kaya naman ay humigi't kumulang 80 pesos ang singil sa bawat gabi ng pananatili sa Ryokan Asahi Hotel kaya naman patok na patok ito sa mga…

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Image
Isa sa mga tradisyunal na bahay na matatagpuan sa Pilipinas ay ang bahay kubo. Gawa sa ito sa kahoy, kawayan, nipa o kaya ay sawali. Karamihan sa mga bahay na matatagpuan sa mga baryo-baryo ay mga bahay kubo dahil bukod sa mas mura ang mga materyales na ginagamit rito ay mas presko pa ito kumpara sa mga bahay na gawa sa kongkreto.
Ngunit huwag basta-batsa ismolin ang bahay na ito dahil katulad ng isang pamilyang ito na matatagpuan sa Libona, Bukidnon, ipinasilip nila ang kanilang munting bahay na bahay kubo sa labas pero ang loob nito ay moderno ang pagkakadisenyo.
Ibinahagi ng may-ari ng bahay na si John Paul Cortes Lamoste ang kanilang dream house na kanilang naipatayo nito lang magsimula ang ECQ. 
Sa halagang P130,000 ay nabili nila ang lupang kinatatayuan ngayon ng kanilang bahay. At noong magsimula ng gawin ang bahay, imbes na dalawang tao sana ang magtatrabaho ay naging isa na lang ang makakatulong upang mabuo ang kanilang dream house gawa ng hindi na nakapagtrabaho ang nakuha …