Ito ang Tunay na Dahilan Kung Ano ang Nangyari kay John Regala Ngayon


Sikat na sikat noon ang dating aktor na si John Regala dahil sa kaniyang napakagaling na acting pagdating sa mga actions movies sa showbiz industry. Madalas kasi na kontrabida ang kaniyang roles sa halos lahat ng kaniyang mga pelikula noon. 

Tindig pa lamang ni John Regala ay talagang parang siya na ay isang kontrabida dahil sa kaniyang maskuladong pangangatawan. Sumikat siya at nagkaroon ng napakaraming proyekto subalit makalipas ang ilang taon ay hindi na muli pang bumalik sa indsutriya ang aktor.



Ikinagulat na lamang ng mga netizens ang isang balita ng ibahagi ng isang concern netizen ang litrato ni John Regala na payat na payat at tila nakakaawa ang kalagayan sa kasalukuyan. 




Ayon sa nakakitang concern netizen, humingi raw mismo ng tulong ang aktor sa netizen na ito para hanapin ang isang nurse subalit hindi raw nito gaanong naiintindihan ang sinasabi ng aktor dahil medyo nauutal raw ito habang nagsasalita at nakakaramdam ng hilo. Kaya naman minabuti na lamang niya na humingi ng tulong sa mga awtoridad upang mas matulungan ang aktor sa kaniyang kalagayan.



"Siya po ay si Mister John Regala ang sikat na kontrabida. Humingi po ng tulong kase nahihilo siya may hinahanap siya na nurse ang kaso hindi ko po siya maintindihan kasi po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad naman po ako lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan. Dito po siya sa lugar ng Barangay 183 Pasay City tapat ng lotsa pizza. Masakit lang isipin na ang dating idolong kontrabida ay nasa ganyang kondisyon. Kaya mas minabuti ko munang hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako'y may deliver pa. Maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong..." caption ng netizen sa kaniyang post.



Marami ang nangamba sa kalagayan ng aktor at marami rin ang nagsasabi na hindi raw ito si John Regala. Subalit ayon 'GMA 24 oras', kumpirmado na si John Regala raw talaga ito sapagkat nakuha nilang ma-interview ang aktor. 


Inamin ni John na siya raw ang totoong nasa picture na ibinahagi ng isang netizen. Ang kaniyang dahilan ay hirap na hirap pa rin daw ito ngayon dahil hanggang ngayon ay dinaramdam nito ang pagkawala ng kaniyang ina na former actress din na si Ruby Regala. Sumakabilang buhay ang kaniyang ina noong nakaraang taon at hindi madali para sa aktor na kalimutan na lamang ang kaniyang lungkot na nararamdaman. Hindi rin daw kasi maayos ang relasyon nito sa kaniyang mga anak at asawa kaya kasalukuyan siyang nag-iisa.



Ang isa rin dahilan kung bakit payat na payat ngayon ang aktor ay dahil napakarami raw nitong health issues at isa na dito ang kaniyang kondisyon na Liver Cirrhosis, isang kondisyon kung saan sinisira nito ang healthy liver at nagkakaroon ng implasyon sa atay. Ayon kay John, hindi naman daw siya pala inom noon kaya hindi niya alam kung bakit nagkaroon siya ng ganitong karamdaman. Maaaring dahil raw sa pagkain ng fatty food noong siya ay bata pa. 


Sa kasalukyan, mag-isa lamang ang aktor at umaasa na lamang ito sa charity goodwil na nanggaling sa kaniyang mga brother at sister sa Iglesia ni Cristo. Habang may iilan din na mga celebrities tulad ni Raffy Tulfo na bibigyan raw siya ng tulong upang gumaan ang bigat na kaniyang pasan.


Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay