Lalaki Na Naglalakad Sa Dalampasigan, Swerteng Nakapulot Ng Suka Ng Balyena Na Nagkakahalaga Ng P25 Milyon

Isang normal na barista sa Koh Samui, Thailand na nagnganglang si Boonyos Tala-Upara, isang 44 na taong gulang. Isang gabi ng Hunyo, may nakita itong kakaibang bagay sa dalampasigan ng kanilang dalampasigan. Napagdesisyunan nitong iuwi ang bagay. Nakalimutan niya na ito kinabukasan. Makalipas ang ilang mga buwan, bumisita ang kaibigan ni Boonyos at doon niya naalala ang kakaibang bagay na napulot niya. 

Ipinakita niya ito sa kanyang kaibigan at laking gulat niya nang sabihin ng kanyang kaibigan na maari raw ito maging Ambergris, isang natatanging sangkap na pinagkakaguluhan ng mga gumagawa ng pabango. Ang Ambegris ay ginagamit para mapanatili ang amoy ng mga pabango mula pa ng sinaunang panahon. Ito ay isang sekresyon na nagmumula sa maliit na bituka ng isang Sperm Whale, isang uri ng hayop na malapit ng maubos. Ito ay inilalabas ng mga Sperm Whale upang maproteksyunan ang kanilang saril sa mga matutulis at di matunaw-tunaw na mga tuka ng mga Giant Squid na siyang pagkain nito.



Ang mga Ambergris ay may kulay-abo, itim, dilaw o kombinasyon ng mga kulay na ito. Nagpapalutang-lutang sa karagatan ang mga Ambergris hanggang ito ay makalapag sa lupa - mas matagal ang paglalakbay sa karagatan, mas maganda ang kalidad ng Ambergris. Madalas may mabango itong amoy kung matagal na itong lumabas mula sa tiyan ng Sperm Whale at nagpalangoy-langoy sa karagatan ngunit kasalungat naman ang amoy nito kapag kalalabas pa lamang. Ito ay nagkakahalaga ng isang milyon piso kada kilo.


Nang inspeksyunin ng magkaibigan ang bagay ay naobserbahan nilang madilaw ito at malambot. Kapag ito ay pinaiinitan ay nagiging langis ito at bumabalik sa dati kapag lumamig ulit. Ayon kay Assistant Professor Thon Thamrongnawasawat, Vice Chancellor ng Faculty of Fisheries sa Kasetsart University na may malaking posibilidad na Ambergris nga ang kanyang natagpuan.

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer