Limang Tips Para Makatulong sa inyo kung kayo ay Overwhelmed na sa Dami ng Trabaho


Sa dami ng stressors sa ating buhay ngayon hindi na maiiwasan ang ma-overwhelm tayo sa ating mga daily tasks na tila ba parang iniisip pa lamang natin ang ating mga problema ay napapagod na tayo at wala na tayong na-aaccomplice sapagkat stressed na tayo kaagad.


Lalo na sa panahon ngayon na new normal, kahit sabihin natin na work from home tayo ay may mga gawaing bahay (chores) pa rin tayong kailangang gawin. Ang hirap ipagsabay ng trabaho sa opisina kasabay ng trabaho o pag-aalaga sa iyong pamilya.

Sa sobrang daming mga gawaing kailangang matapos at magawa, hindi na nakapagtataka na ma-overwhelm tayo. Kaya may mga nanay na madalas nakakaranas ng anxiety dahil sa dami ng kanilang kailangang gawin hindi nila alam kung ano ang kanilang uunahin upang magawang pagsabay sabayin at matapos ang lahat ng kanilang responsibilidad.



Alam niyo ba na hindi naman kailangang tapusin ang lahat ng iyong responsibilidad sa iisang araw lamang o isang oras dahil maaaring gamitin ang paraan na tinatawag na "time blocking".


Ano nga ba ang kahulugan nito?


Ang time blocking ay kilala rin sa tawag na monotasking o di kaya time chuncking at ito ay isang time management technique na kung saan iisang task lamang ang kailangang gawin sa nireserve mong oras.


Ayon na rin sa experto ang ganitong time management style ay nakakatulong para ma-control mo ang iyong oras at gayun rin ay magawa mo ang ibang kailangang gawin. 


Mga paraan kung paano gamitin ang Time Blocking:


1. Gumawa ng listahan


Isulat sa isang papel ang lahat ng mga trabahong iyong kailangang gawin. Imbes na pagsabay-sabayin mo itong gawin mas nararapat na magtakda ng oras sa bawat gawain upang mafocus mo ang sarili at matapos ito ng maayos.


2. Markahan ang priority


Ayon sa experto kailangan lamang pumili ng dalawa hanggang tatlong pinaka prioridad mo na gawain sa isang araw. At itong mga pinili mo ay siyang magsisilbing priority task mo na tinatawag din bilang "Prime slot"  sa araw mo at kung saan hindi ka talaga maiistorbo sa araw na iyon. Wala ring ibang iisipin na trabaho at gawain kung hindi iyon lamang.



3. Magtakda ng schedule


Kapag napili mo na kung ano ang prioridad mo. Dito papasok ang pagtalaga o pagtakda ng schedule sa bawat gawain. Kung ano bang oras at araw ito kailangan gawin at tapusin.


4. Maging consistent


Hindi makakatulong ang lahat ng tips sa itaas kung hindi tayo magiging consistent sa ating itinakdang schedule. Gawin itong habit at mag-stick sa shedule at daily tasks priorities upang matapos ang ating mga gawain.



5. Magpahinga kung sobrang overwhem na


Ang isa sa pinaka importante sa lahat ay ang paglaan ng break time kung tayo ay pagod na. Maaaring maglaan ng 15-30 minutes break at gawin ang mga bagay na makakapag relax sa iyong isip at pagkatapos nito ay huminga ng malalim at balikan ulit ang trabaho.



Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera