Chynna Ortaleza, Hindi Napigilang Sagutin ang masasamang sinabi ng isang basher tungkol sa kaniyang ugali



Sadyang makinang at magulo ang mundo ng show business. Sa pagkakataong pumasok ka sa mundong ito ay paniguradong maraming tao ang nais na makaalam ng mga pangyayari sa buhay mo lalo na kung isa ka sa talaga namang kilalang artista o di kaya naman ay performer. May mga pagkakataon pa nga na kahit oras at atensiyon mo ay nais nilang kontrolin at kapag hindi mo napagbigyan ay maaring maging masama na agad ang tingin nila sa iyo. 

Ganito ang ilan lamang sa pinagdadaanan ng mga artista at kilalang personalidad at marahil nga ay nasanay na rin sila sa paulit-ulit na pamumuna sa kanila ng mga basher dahil alam naman nilang walang maidudulot na mabuti kung lahat ng ito ay kanilang papatulan.



Ngunit kamakailan lang ay naging usap-usapan ang aktres na si Chynna Ortaleza matapos niyang sagutin ang isang basher na walang pangundangang nagmura sa pamamagitan ng komento. Ito ay nangyari nang magpost ang aktres sa kaniyang Instagram account ng isang selfie na nagpapakita ng isang simpleng ina at maybahay.


"Most honest selfie of what a work-from-home woman, full-time Mama, wife, and cleaner looks like by 4 p.m", pahayag ni Chynna.




Maraming papuri ang natanggap ng aktres para sa nasabing larawan at karamihan nga ay mga kapwa nanay na naka-relate sa kaniyang sitwasyon. Ngunit ang namumukod tangi sa kanila ay ang komento mula sa hindi kilalang Instagram account na wala man lamang laman at followers.


"Gagang babae!", walang taros nitong sinabi.


Agad naman siyang sinagot ni Chynna hanggang sa humaba na ang kanilang palitan ng komento. Inilabas rin ng basher ang galit niya sa aktres na nag-umpisa daw noong mayroong pagkakataon na pinagsabihan siya ng masama ni Chynna matapos nilang magkabanggan.



“I accidentally bumped into you, minumura mo ako ng f*ck you, piece of sh*t, trash, etc...Kahit gaga ka madami kang issues na babae...At first kasi, I don’t know what’s going on pero kung makita kita ulit bugbog sarado harap mo sa akin, p******a mo!” dagdag pa ng hindi kilalang netizen.


Sa huli ay tinapos na ni Chynna ang walang magandang patutunguhangang usapan at nilinaw na kahit minsan sa buong karera niya bilang artista ay wala siyang ginawang ganoong bagay. 



" Sayang time mo sa pagtanim ng seeds of hate sa mga tao na hindi takot gamitin ang boses para manindigan...Pero choice mo yan, e. Sige, God bless you. I know it’s hard being a troll,” pagpapayo at panunupalpal niya sa hindi magandang pag-aasal ng netizen.


Tunay ngang may mga pagkakataon na kailangan nating basagin ang katahimikan at ipagtanggol ang ating sarili kung kinakailangan

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya