Limpak-limpak na Pera, Natagpuan Ng Mga Construction Worker Sa Surigao Del Sur

 


Isang normal na araw lamang ito para sa mga construction worker na ito. Sila ay pumasok ng maaga upang masimulan na ang kanilang trabaho ngunit hindi nila akalain na habang sila ay naghuhukay sa lupa ay may makikita silang isang bagay na talagang kinagulat nila. Ang mga construction worker na ito ay nagtatrabaho sa perimeter fence sa isang covered court sa Barangay Telaje, Tandag City, Surigao del Sur. 


Isang araw, habang sila ay nagbubungkal sa lugar ay nagulat na lamang sila nang makahukay sila ng limpak-limpak na salapi. Ang lumang perang papel na kanilang nahukay ay nasa halagang P5, P10, P20, P50, P100, P200, P500, and P1,000. Sa panayam naman ni Police Regional Office 13 spokesperson Police Maj. Renel Serrano, sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ng mga kapulisan kung sino talaga ang nagmamay-ari ng mga pera na nakabaon sa lupa.







Sinabi din ni Serrano na nasa P300,000 ang kabuuang pera na nahukay ng mga construction. Ngunit, ang pera ay nasa kamay na ng mga construction worker. Ang pera na nai-turn over ng ibang construction worker sa kapulisan ay humigit kumulang P19,000. Sa pahayag naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ng bango na wala nang monetary value ang mga nahukay na pera at hindi na ito magagamit pa dahil hindi naman na ito mapapalitan sa banko at tanging pang collector’s item na lamang ang mga pera.


Samantala, marami namang mga netizens ang nagbigay ng iba’t ibang reaksyon ukol dito. Ilan sa kanila ay nagsasabi na baka sumakab!l@ng buhay na ang may-ari ng pera na ito. Samantala, ang iba naman ay nalungkot dahil malaking halaga din ang naipon na pera at sayang na hindi na ito magagamit pa sa panahon ngayon. 





Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!