Nakakapanggigil! Customer Na Nag-Cancel Ng Order, Tinapon Pa Ang Pagkain Sa Delivery Rider

Photo Credit: Pilipinas Trending Viral/ Facebook

Sa panahon ngayon, mas naging madali at convenient na ang pag-oorder ng pagkain dahil sa online. Hindi na kailangan pang lumabas para bumili, isang click lamang sa iyong cellphone gamit ang mga food service delivery apps ay agaran na itong idedeliver sa iyong bahay o location.

Ngunit mayroong talagang mga pagkakataon na di maiiwasan tulad ng sobrang daming nag-oorder o di kaya ay dulot ng sama ng panahon o kaya ay traffic kung kaya't ang order ay nade-delay at hindi agad nakakarating sa paroroonan.

Pero ang hindi naman yata makatarungan, ay may mga nag-oorder na sadyang maiksi ang pasensya at madaling uminit ang ulo. Katulad na lamang ng viral na babae na nakilala bilang si Mary Paras.


Ayon sa Facebook post ng Pilipinas Trending Viral, ang nasabing babae ay umorder ng pagkain sa Chowking gamit ang food deliver app na Food Panda. Nasa worth 800 pesos na pagkain ang kanyang inorder, ngunit pagdating ng delivery rider sa location ay kinancel lang ito ng customer dahil natagalan daw sa pagdedeliver kaya hindi na tinanggap.

Nagmakaawa ang delivery rider sa customer dahil sayang ang perang ginamit niya bilang pang-abono sa pagkaing inorder ngunit ayaw daw talaga itong tanggapin at itinapon pa sa rider ang pagkain.

Kalunos-lunos ang sinapit ng rider dahil nagtiyaga itong pumila, mag-abono at makipagsapalaran sa kalsada maging na rin sa banta ng virus pagkatapos ay ganito lang pala ang kanyang sasapitin. Hindi man lang naawa ang customer sa rider pati pagkain ay nasayang lang.

Sa bandang huli ay nagbigay ng paumanhin at pahayag ang nag-viral na customer. Narito ang kanyang naging paliwanag.



"Good eve sa lahat ng nag comment sa Food Panda. Hindi ko po intensyon na manloko ng tao higit na sa panahon ito. Magcocoment nalang din po ako kasi nasasaktan na din ako sa mga sinasabi ng mga tao. Kayo po eh explain ko po yung nangyari noong una nag order ako pero nagloloading po at matagal yung net at data sa app, di ko po namalayan na naorder na pala iyon at nadala na pala yung order ko, noong dumating ang inorder po namin may tumawag ulit di ko nalang pinansin dahil dumating na yung order. Kung may mali po ako, nanghihingi po ako ng pasensya sa Rider, kinontak ko na po siya at handa po akong magbayad sa kanyang pinang abono at nagpapasalamat din po ako sa nagpost nito para mabigyang linaw ang lahat."

Gayunpaman, kahit na nagbigay siya ng paliwanag ay hindi pa rin niya makumbinsi ang mga netizens. Dahil unang una, hindi siya dapat naging bastos sa rider at hindi niya dapat ito tinapunan ng pagkain. 

Source: Pilipinas Trending Viral/Facebook

Comments

  1. I please maging makatao Tayo naawa ako sa delivery boy no comment sa customer for sana may puso tayo God is Watching us God Bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. Npaka bastos at salbahe mong babae ka ndi kba nahiya sa ginawa mo!!!! Ndi kba naturuan ng magandang asal??? Nagsusumikap at nagpapa kahirap ung rider para lng kumita at my maipakain sa pamilya nya tapos babastusin mo lang

      Delete
  2. Bastos, mal-edukada at mayabang k lng. Eh d dapat wag tpon s rider yun pgkakn. Npka hayop ang ginawa mo ate girl. Go to hell girl with your idiotically attitude. Your so much stupid girl. Nakakapang gigil ka s galit. ,,/,, yn k girl. ����

    ReplyDelete
  3. ndi ka ba nahiya sa ginawa mo? naghahanapbuhay ang tao ng matino tapos ganyan gagawin mo napakahayop mo nman ala kang kwentang tao.... diyos ng bahala seo... go to hell...

    ReplyDelete
  4. so, nag eexplain ka kasi binash ka!. kahit anong sabihin mo ugali mo na cguro yan.. wala kang puso. kahit pa humingi k ng tawad at bayaran mo ang inabono ng rider, huli na ang lahat ginawa mo na yung hindi dapat.. sana na lang maranasan mo din yung nararanasan nila.. yung pagod at init sa labas pr lang kumita. sana danasin mo din kung sino ka man.

    ReplyDelete
  5. Hindi namn makatao ginawa mo..d khit bliktarin mo man ang nangyri ikaw ang rider mrrmdamn mo din ang nrrmadn nya n itapon ang pgkain sa knya...Anyway wla kng good manners..ang pagkain d tntpon...

    ReplyDelete
  6. kahit ano yan paliwanag mo bastos ka talaga wala kang awa pangalawa pagkain yan dpat hnd mo tinapon gets mo madam sama ng ugali mo... kung ako rider pulutin ko ung pagkain at isalaksak ko sa bunganga mo para malaman mo saan dpat nilagay ang pagkain

    ReplyDelete
  7. Asal hayop..walang puso...to the highest level ang kybangan...bbyaran mo nman kaya kung di ka na bash???

    ReplyDelete
  8. Asal hayop..walang puso...to the highest level ang kybangan...bbyaran mo nman kaya kung di ka na bash???

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa