Posts

Showing posts from December, 2020

Dating Starbucks Barista Na Nawalan Ng Negosyo, Muling Nagtayo Ng Maliit Ng Japanese Style Coffee Shop At Pumatok Sa Mga Netizens

Image
  Photo Credits: Drew Magana-Philippine Star/ Facebook Sino ba ang mag-aakala na kahit sa gitna ng nararanasan nating pandemya ay magiging successful ang itinayong maliit na coffee shop na ito. Itinampok sa Facebook page na Philippine Star ang kwento sa likod Japanese inspired coffee shop na ito na pagmamay-ari ng dating Starbucks barista na si Drew Magana.  Noong lamang January 2020 ay nagbukas ng isang coffee shop sa Antipolo si Drew kasama ang kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil inabutan ng lockdown at pandemya ay napilitan na lamang silang isara ito kahit na hindi pa bumabalik ang kanilang pinuhunan.  Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sumuko si Drew at huwag nang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na magtayo ng sariling negosyo. Sa halip ay pinag-aralan pa niya ng mabuti kung paano siya makakapagtayo ng kanyang sariling coffee shop kahit na maliit lamang. Photo Credits: Drew Magana-Philippine Star/ Facebook Habang naka-lockdown noon ay pinag-aralan niya ang Japanes

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'

Image
Photo Credits: Kember Flores Casabuena/ Facebook Wika ng ilan, na ang hirap mag-ipon. Madalas kasi imbes na sa ipon napupunta ang iyong kinikita ay nagagastos mo ito sa ibang bagay. Ngunit kung iisiping lamang mabuti, madali lang naman talagang makapag-ipon basta ang kailangan lamang ay tamang disiplina sa sarili at bawasan ang pag-gasta sa mga luho. Ibinahagi ng netizen na si Kember Flores Casabuena ang 'ipon challenge' nilang mag-asawa. Aniya, sa isang episode ng palabas sa telebisyon na 'Kapuso Mo Jessica Soho' ay napanuod niya ang itinampok na 50 Pesos ipon challenge. Kung kaya't naengganyo siyang subukan ito. Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng hindi paggasta ng mga Php50 na perang papel. Kwento niya, "Ginawa muna naming invisible yung 50pesos at wala munang halaga sa amin ang 50pesos. Sa box pa ng sapatos ko unang nilagay at binalutan ko ng packing tape. At bago ko umpisahan ibinulong ko muna sa box na para sa bahay pang second floor." Photo C

Mabait Na Netizen Napulot At Ibinalik Ang Nalaglag Na Wallet Ng Isang Rider

Image
Photo Credits: Alex Crisologo/ Facebook Di natin makakaila na kahit sa panahon ngayon, marami man ang nagkakainteres at nasisilaw sa pera ay mayroon pa ring mga mabubuting tao na natitira sa mundo na mas pinipiling gumawa ng tama. Katulad na lamang ng istorya ng isang netizen na ito na minabuting ibalik ang kanyang napulot na pitaka. Ibinahagi ng isang concerned netizen na si Alex Crisologo sa pamamagitan ng isang Facebook post ang kanyang panawagan sa isang kapwa netizen na diumano ay nakahulog ng pitaka.  Ayon sa kanyang post, "May rider po naka hulog ng wallet dito sa may crossing ng district Anabu. Hindi niya napansin nagulog wallet nya. Hindi ko na nahabol. Paki tulong na lang po mga paps ka rider." Photo Credits: Alex Crisologo/ Facebook Nabanggit ni Crisologo na ang laman ng wallet ay nagkakahalaga ng Php12,750 at may kasamang driver's license. Napagalaman na ang nagmamay-ari ng nahulog na pitaka ay mula sa isang netizen na nagngangalang Tirso Plazos Jr. Ma

Isang napakabuting Teacher ang binilhan ng groceries ang kaniyang mga estudyante upang may makain

Image
Ang mga guro ay kilala sa pagtuturo ng mga aralin sa paaralan at sa pamamagitan nila ay nahahasa ang talino ng bawat bata na siya namang nagagamit ng mga ito upang makamit ang kanilang mga pangarap.  Ito ang madalas na alam nating papel ng mga guro ngunit maliban dito, sila rin ay nagsisilbing pangalawang magulang na humuhubog sa pag-uugali ng mga bata at nagpapakita ng pagmamahal at kalinga. Marami na ngang kwento ang ating narinig kung papaano naipakita ng mga guro ang kanilang dakilang pagmamahal sa propesyon at sa mga batang kanilang tinuturuan at inaalagaan.   Isa na rito ang guro na nagdesisyong gamitin ang sariling pera upang malagyan ng laman ang kumakalam na tiyan ng bata. Siya ay nakilala bilang si Maisarah Hannan, school counselor sa St Cecilia’s Convent Secondary School ng Sandakan co. Malaysia. Bilang counselor ay sa kaniya madalas ilapit ang hinaing ng mga estudyante at karamihan nga sa kanilang suliranin ay ang kakulangan sa pagkain na siyang nagiging dahilan pa

Cabinet Na Inorder Online, Di Sukat Akalain Na Napakaliit Lang Pala Noong Dumating

Image
Photo Credits: Gio Lumines/ Facebook Napakarami na ngayon ang mabibili sa online gamit ang iba't ibang mga apps tulad ng Shopee at Lazada. Hindi mo na rin kailangan pang pumunta pa sa mga mall upang bumili ng mga nais mong bilihin, madalas ay mabibili mo na rin ito sa online ngayon.  Dahil limitado rin ang paglabas- labas ng mga tao ngayong panahon ng pandemya, mas dumami pa ang mga taong nagsha-shopping online. Isang click mo nga lang naman kasi ay mabibili mo na ito at door to door pa ang paghahatid nito sa iyo. Ngunit kilatisin munang mabuti ang lahat ng bagay na iyong binibili online. Dahil marami na ang nabibiktima ng mga maling tinitinda katulad na lamang ng isang netizen na ito. Photo Credits: Gio Lumines/ Facebook Bahagi ng netizen na si Gio Lumines sa kanyang Facebook account na bumili ang kanyang nanay ng cabinet sa online shopping app na Lazada. Ngunit pagdating sa kanila ng parcel ay nagtataka sila kung bakit napakaliit lamang ng kahon na ito. Narito ang kan