Cabinet Na Inorder Online, Di Sukat Akalain Na Napakaliit Lang Pala Noong Dumating


Photo Credits: Gio Lumines/ Facebook

Napakarami na ngayon ang mabibili sa online gamit ang iba't ibang mga apps tulad ng Shopee at Lazada. Hindi mo na rin kailangan pang pumunta pa sa mga mall upang bumili ng mga nais mong bilihin, madalas ay mabibili mo na rin ito sa online ngayon. 

Dahil limitado rin ang paglabas- labas ng mga tao ngayong panahon ng pandemya, mas dumami pa ang mga taong nagsha-shopping online. Isang click mo nga lang naman kasi ay mabibili mo na ito at door to door pa ang paghahatid nito sa iyo.

Ngunit kilatisin munang mabuti ang lahat ng bagay na iyong binibili online. Dahil marami na ang nabibiktima ng mga maling tinitinda katulad na lamang ng isang netizen na ito.

Photo Credits: Gio Lumines/ Facebook


Bahagi ng netizen na si Gio Lumines sa kanyang Facebook account na bumili ang kanyang nanay ng cabinet sa online shopping app na Lazada. Ngunit pagdating sa kanila ng parcel ay nagtataka sila kung bakit napakaliit lamang ng kahon na ito.

Narito ang kanyang post,

"Bumili si mama ng cabinet, P700+ sa Lazada. tas nagtaka siya kung bakit may nagdeliver ng box na maliit, di niya alam kung ano yung inorder niya na ganun. Yung cabinet pala, di bale cute naman."

Nang matanggap nila ang package ay isang miniature na cabinet lamang pala ang nabili ng kanyang ina. Ipinakita ng netizen na halos sinlaki lamang ito ng kanyang kamay. 

Photo Credits: Gio Lumines/ Facebook

Photo Credits: Gio Lumines/ Facebook


Paalala ng isang netizen na dapat bago bumibili lalo na kapag sa online ay binabasa muna ng maigi ang nasa description ng produktong binibili at maging ang mga reviews bago ito icheck out. 

Samantala maraming mga netizens rin ang nagbahagi ng kani-kanilang mga karanasan na katulad nito. At imbes sana na mas magagamit pa sa ibang bagay ang perang pinambili ay nasayang lamang dahil sa maling produktong nabili.

Laging pakatatandaan, maging mausisa dahil ayon nga sa isang kasabihan, "Looks can be deceiving."

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!