Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'

Photo Credits: Kember Flores Casabuena/ Facebook

Wika ng ilan, na ang hirap mag-ipon. Madalas kasi imbes na sa ipon napupunta ang iyong kinikita ay nagagastos mo ito sa ibang bagay. Ngunit kung iisiping lamang mabuti, madali lang naman talagang makapag-ipon basta ang kailangan lamang ay tamang disiplina sa sarili at bawasan ang pag-gasta sa mga luho.

Ibinahagi ng netizen na si Kember Flores Casabuena ang 'ipon challenge' nilang mag-asawa. Aniya, sa isang episode ng palabas sa telebisyon na 'Kapuso Mo Jessica Soho' ay napanuod niya ang itinampok na 50 Pesos ipon challenge. Kung kaya't naengganyo siyang subukan ito.

Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng hindi paggasta ng mga Php50 na perang papel. Kwento niya,

"Ginawa muna naming invisible yung 50pesos at wala munang halaga sa amin ang 50pesos. Sa box pa ng sapatos ko unang nilagay at binalutan ko ng packing tape. At bago ko umpisahan ibinulong ko muna sa box na para sa bahay pang second floor."



Photo Credits: Kember Flores Casabuena/ Facebook

Sa una raw ay ayaw pang subukan ito ng kanyang asawa ngunit nagpursigi talaga siya na gawin niya ito hanggang sa nahikayat niya rin ito. Ganoon rin daw ang ginawa ng kanyang asawa, kapag mayroong napagsusukli sa kanyang Php50 na papel ay itinatabi na nila ito upang ihulog sa kanilang alkansya.

Noong dumadami na ang kanilang naiipong papel na tig-singkwenta pesos ay inilipat na nila ito sa isang balde para mas malaki ang kanilang mapaglalagyan. 

Naalala pa raw niya na kapag magbabayad siya sa tindahan, grocery o palengke na Php500 na buo at ipinangsukli sa kanya ay tig-sisingkwenta ay wala raw siyang choice kundi itago ang mga ito dahil kasama iyon sa pagdidisiplina nila sa kanilang sarili.


Photo Credits: Kember Flores Casabuena/ Facebook


Ang plano raw talaga kasi nila ay ipagawa ang second floor ng kanilang bahay. Pero dahil hindi nila kaya ang biglaang gastos kaya nila naisipang magipon muna. Wala rin daw kasi siyang trabaho sa mga panahong iyon at ang kanyang asawa naman ay nakakapag-extra extra lang bilang isang tiles setter. 

Binawasan nila ang pagbili ng kanilang mga luho at kahit mahirap ay kinaya pa rin nila ito dahil sa kagustuhang mapagawa ang kanilang bahay.

"Masarap sa pakiramdam na kahit papano may naitatabi kang pera. Disiplina lang po sa sarili at pananalig sa itaas na tuloy tuloy ang biyaya at huwag din po ubos biyaya."

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!