Dating Starbucks Barista Na Nawalan Ng Negosyo, Muling Nagtayo Ng Maliit Ng Japanese Style Coffee Shop At Pumatok Sa Mga Netizens

 

Photo Credits: Drew Magana-Philippine Star/ Facebook

Sino ba ang mag-aakala na kahit sa gitna ng nararanasan nating pandemya ay magiging successful ang itinayong maliit na coffee shop na ito.

Itinampok sa Facebook page na Philippine Star ang kwento sa likod Japanese inspired coffee shop na ito na pagmamay-ari ng dating Starbucks barista na si Drew Magana. 

Noong lamang January 2020 ay nagbukas ng isang coffee shop sa Antipolo si Drew kasama ang kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil inabutan ng lockdown at pandemya ay napilitan na lamang silang isara ito kahit na hindi pa bumabalik ang kanilang pinuhunan. 

Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sumuko si Drew at huwag nang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na magtayo ng sariling negosyo. Sa halip ay pinag-aralan pa niya ng mabuti kung paano siya makakapagtayo ng kanyang sariling coffee shop kahit na maliit lamang.

Photo Credits: Drew Magana-Philippine Star/ Facebook


Habang naka-lockdown noon ay pinag-aralan niya ang Japanese coffee scene kahit na hindi pa siya nakakapunta sa bansang Japan. Nakipag-ugnayan rin siya sa kanyang mga kaibigan contractor at maging sa mga nagtatrabaho sa hardware kung saan siya makakamura sa pagbili ng mga materyales ng kanyang shop. 

Ang perang kanyang naipon sa pagbebenta ng cold brew sa online ay nakatulong ito upang makapagrebrand siya at maitayo ang kanyang munting coffee shop na pinangalanan niyang "Typica". Gumastos siya ng Php80,000 sa renovation at construction ng nasabing lugar.

Ang dating maliit na sales office ay na-transform ni Drew sa isang napakagandang Japanese style kiosk na ito na matatagpuan sa 72 E. Rodriguez Avenue sa Taytay, Rizal. Ngayon ay nagse-serve na sila ng kanilang mga hot at cold drinks at mayroon ding mga pastries.

Photo Credits: Drew Magana-Philippine Star/ Facebook


Makikita na minimalistic ang disenyo ng kanyang cafe at ang nais talaga ni Drew ay magkaroon ng specific na lasa ang kanilang mga paninda. Na kahit maliit lamang ang kanilang cafe ay hangarin niya ay magustuhan ito ng mga tao at swak sa kanilang bulsa. 

Ilang buwan pa lamang simula nang opisyal na buksan sa publiko ang 'Typica' coffee shop ay agad naman itong pumatok sa mga netizens dahil bukod sa mura na ay masarap pa.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!