Isang napakabuting Teacher ang binilhan ng groceries ang kaniyang mga estudyante upang may makain


Ang mga guro ay kilala sa pagtuturo ng mga aralin sa paaralan at sa pamamagitan nila ay nahahasa ang talino ng bawat bata na siya namang nagagamit ng mga ito upang makamit ang kanilang mga pangarap. Ito ang madalas na alam nating papel ng mga guro ngunit maliban dito, sila rin ay nagsisilbing pangalawang magulang na humuhubog sa pag-uugali ng mga bata at nagpapakita ng pagmamahal at kalinga.

Marami na ngang kwento ang ating narinig kung papaano naipakita ng mga guro ang kanilang dakilang pagmamahal sa propesyon at sa mga batang kanilang tinuturuan at inaalagaan.  


Isa na rito ang guro na nagdesisyong gamitin ang sariling pera upang malagyan ng laman ang kumakalam na tiyan ng bata.



Siya ay nakilala bilang si Maisarah Hannan, school counselor sa St Cecilia’s Convent Secondary School ng Sandakan co. Malaysia. Bilang counselor ay sa kaniya madalas ilapit ang hinaing ng mga estudyante at karamihan nga sa kanilang suliranin ay ang kakulangan sa pagkain na siyang nagiging dahilan para hindi sila makapag-aral ng maayos.  


Lubos na naantig ang puso ni Maisarah sa kaniyang mga narinig at batid niyang hindi niya kaya
ng tulungan ang lahat ng bata. 

Ganoon pa man, nagdesisyon siyang gamitin ang kaunting naipon niya para kahit papaano ay makabili ng mga grocery para sa mga mag-aaral. Kabilang sa mga ipinamigay niya ay bigas, isang tray ng itlog, de lata, facemask at noodles. Siya rin mismo ang nag-abot ng mga ito sa mga bata at bumyahe pa ng malayo para marating ang mga bahay sa kabundukan.



Napansin ng kapwa niya mang-gagawa sa paaralan na malaki ang ipinagbago ng mga bata matapos ang ginawang pagtulong ni Maisarah kaya naman sila man din ay nagtulong-tulong sa paglikom ng pondo upang mas marami pang kabataan ang kanilang matulungan. 


Sa katagalan ay buong pamilya na rin ang kanilang napapakain at hindi lang ang mga estudyante na pumapasok sa paaralan.




Pinatunayan lang ng mga guro na ito na sila nga ay talagang pangalawang magulang ng mga bata at nagsilbi pang inspirasyon sa nakararami na ang pagtulong sa kapwa ay maaring mag-umpisa kahit sa pinakamaliit na kapamaraanan.

Comments

  1. Ako pwdi ako tumira jan para kung papakain na bigay nyo sa akin kc nag uupa lang me dto sa Philippines dahil wla me bahay po

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!