Mabait Na Netizen Napulot At Ibinalik Ang Nalaglag Na Wallet Ng Isang Rider

Photo Credits: Alex Crisologo/ Facebook

Di natin makakaila na kahit sa panahon ngayon, marami man ang nagkakainteres at nasisilaw sa pera ay mayroon pa ring mga mabubuting tao na natitira sa mundo na mas pinipiling gumawa ng tama. Katulad na lamang ng istorya ng isang netizen na ito na minabuting ibalik ang kanyang napulot na pitaka.

Ibinahagi ng isang concerned netizen na si Alex Crisologo sa pamamagitan ng isang Facebook post ang kanyang panawagan sa isang kapwa netizen na diumano ay nakahulog ng pitaka. 

Ayon sa kanyang post,

"May rider po naka hulog ng wallet dito sa may crossing ng district Anabu. Hindi niya napansin nagulog wallet nya. Hindi ko na nahabol. Paki tulong na lang po mga paps ka rider."

Photo Credits: Alex Crisologo/ Facebook


Nabanggit ni Crisologo na ang laman ng wallet ay nagkakahalaga ng Php12,750 at may kasamang driver's license. Napagalaman na ang nagmamay-ari ng nahulog na pitaka ay mula sa isang netizen na nagngangalang Tirso Plazos Jr.

Makalipas ng ilang oras ay naibalik na niya ang wallet ni Kuya rider Tirso.

"Kaya po ako nag post kasi hindi ko po alam paano ma contat si kuya. Kasi yung contact person na nasa lisensya niya ay hindi na po active ang phone number at personal kong pinuntahan yung address na nakasulat sa lisensya niya para personal isaoli, subalit hini na po siya dun nakatira."

Dagdag pa niya na hindi naman niya hangad ang sumikat, pero dahil sa tulong nga mga netizens sa Facebook ay naging daan ito upang matunton niya ang rider na nakahulog ng pitaka. Naging mabilis ang paghahanap nila dahil maraming netizens ang nag-share ng kanyang post.
Photo Credits: Alex Crisologo/ Facebook


Samantala, nagiwan rin siya ng isang paalala.

"Tandaan po natin. 
Anuman ang estado natin sa buhay, piliin padin natin maging mabuting tao. At wag mag dalawang isip tumulong kung talagang kinakailangan sa malaki man o sa maliit na bagay o pamamaraan basta taos sa ating puso."

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga