Posts

Showing posts from January, 2021

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Image
  Photos from: Google Sa mahal ng mga bilihin ngayon kaya nauso ang mga thrift stores o mas kilala kung tawaging "ukay-ukay." Ang mga binebenta kasing mga gamit dito ay mga second hand o mga nagamit na ng iba. Bukod sa mga damit, sapatos, at bags minsan ay mayroon ding mga ukay-ukay na mga gamit pambahay ang kanilang binebenta. Tiyak na bawat ukay-ukay seller ay may kani-kanilang karanasan at kwento tungkol sa kanilang mga binebenta. Katulad na lamang ng isang seller na ito na nagpakilala bilang si Lez. Ibinahagi ang kanyang istorya sa Facebook page na Spookify dahil sa nakakakilabot nitong karanasan sa pagbebenta ng second hand na mga damit. Taong 2019 raw nang siya ay magsimulang magnegosyo ng ukay-ukay. Mabilis raw itong bumenta sa online. Habang nagli-live selling raw siya hawak ang isang pulang polo shirt, may nagko-komento raw sa baba ng kanyang video na ang cute raw ng bata na nasa likod niya. Nagtataka siya kung bakit nagkokomento ang kanyang viewers ng ganoo

Ikinatuwa, Sulat Ng Isang Mister Sa Kanyang Asawa Na May Kasama Pang Php 5k Na Pang-shopping! Sana All!

Image
Photo from: Pagka Toytoy/ Facebook   Mapapa-sana all na lamang ang lahat ng mga misis sa kwento ng mag-asawang ito! Nag-viral ang post ng Facebook page na Pagka Toytoy dahil sa isang liham ng isang mister sa kanyang misis. Sinabi ng mister sa kanyang asawa na mag-shopping raw ito ng kanyang gusto at saka pa siya binigyan ng perang Php5,000. "To my beautiful Wifey! Pasensya na 5k lang yan bili mo yan nang panty, bra, make-up, gusto mong pagkain ikaw na bahala. Dagdagan ko nalang uli yan sa next salary ko ok? Mag shopping ka. Alam kung pagod ka sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga nang dalawang anak natin. See you tonight! Enjoy shopping! Love you Mahal. --Hubby" Photo from: Pagka Toytoy/ Facebook Talaga namang napaka-sweet ang ginawa na ito ng mister. Bibihira na lamang kasi ang mga lalaki na gagawin ang ganito para sa kanilang asawa.  Kadalasan sa mag-asawa, ang babae ang humahawak ng pera dahil siya ang nagba-budget para sa buong pamilya. Pero sa liham na ito ay til

Mani Vendor Na Gamit Ay Sira Sirang Bisikleta Sa Pagtitinda, Nabibiyaan Ng Bagong Bike

Image
  Photo from: Franklin Ramos Mariscal/ Facebook, SIKAD TA BAI/Facebook Naantig ang mga netizens sa istorya ng isang mani vendor na nakitang tulak-tulak ang kanyang bisikleta habang naglalako ng panindang mani. Ibinahagi ang istorya niya ng isang Facebook user na si Franklin Ramos Mariscal. Aniya, na napukaw ang atensyon niya sa isang manong na naka-bike habang siya ay naglalakad sa may south bus terminal papauwi sa kanila.  Noong una ay akala raw niya ay naglalakad lamang doon ang lalaki ngunit napag-alaman niya na ito pala ay nagtitinda ng mani.  Pagtawid ni Mariscal sa pedestrian ay nilapitan raw ito ng mani vendor at naibahaging sumasakit raw ang kanyang likod dahil tinutulak lamang niya ang kanyang bisikleta kahit saan man siya magpunta dahil ang gulong nito ay sira na.  Photo from: Franklin Ramos Mariscal/ Facebook Nakilala niya ang lalaki sa pangalang Sisoy. Taga Badian raw ito at dating nagtatrabaho bilang isang security guard ngunit napagdesisyunang huminto na lamang i

SILIPIN: Ancestral House Ng Lolo Ni Joey De Leon Napakaganda Pa Rin

Image
  Photo from: Jay Patao/ Facebook- Memories of Old Manila Kung isa ka sa mga marunong mag-appreciate ng mga makalumang bagay ay tiyak na mabibighani ka sa mga lumang bahay na hanggang sa panahon ngayon ay na-preserve ang kanilang istruktura at kakaibang kagandahan. Bibihira na lamang kasing makakita ng mga ganito ngayon. Labis na hinangaan ng mga netizens ang mga kuhang larawan ni Jay Patao na kanyang ibinahagi sa Facebook page na Memories of Old Manila. Naibahagi kasi niya ang ancestral house ng lolo ng komedyanteng si Joey De Leon. Bahagi ni Patao na ang lumang bahay na ito ay ang Ramon Gonzales de Leon ancestral house na naitayo noong taong 1923 sa Malolos, Bulacan. At talaga namang nakakabighani ang ganda ng woodwork architecture nito. Photo from: Joey De Leon/ Instagram Photo from: Jay Patao/ Facebook- Memories of Old Manila Idinisenyo raw ito na talagang swak sa klima ng ating bansa at ito ay naitayo sa Cigarillera St. na kalapit ng Malolos River na ngayon ay nagmistula

Jolina Magdangal Nagbabala Sa Pekeng Online Seller Na Nang I-scam Sa Kanya Sa Pagbili Ng Halaman

Image
Photo from: mariajolina_ig/ Instagram Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala. Lalo na pa at dumarami ang mga bogus sellers at scammers sa mga online transactions. Dahil hindi mo naman nakikita ng personal ang kausap mo ay isang 'risk' talaga na ibigay ang iyong tiwala sa kausap mo. Minsan ay napakahirap talagang matiyak kung sino ba ang nanloloko sa hindi. Dahil sa una ay tila maayos silang kausap at kapani-paniwala ang kanilang mga sinasabi, ngunit kapag nakuhaan ka na nila ng pera ay bigla na lamang silang mawawala parang bula. Isa sa mga naging biktima ng mga online scammers ang artistang si Jolina Magdangal. Kwento niya sa kanyang Instagram na na-iscam raw siya ng isang seller ng mga cactus sa Facebook marketplace dahil sa kagustuhan niyang makabili ng Golden Barrel. Photo from: mariajolina_ig/ Instagram Ang seller raw kasi na ito ang nagbebenta ng sobrang mura kung kaya't napabili siya ng tatlong golden barrel at pito pang kakaibang mga cactus. Noong una raw

Netizen, Nalungkot Para Sa Isang Tatay Na Nagdiwang Ng Kanyang Kaarawan Na Mag-isa Sa Isang Fastfood Chain

Image
  Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel/ Facebook Mas masayang ipinagdiriwang ang kaarawan kasama ang iyong pamilya o di kaya ay kaibigan. Pero ang isang tatay na ito, kahit na siya ay mag-isa lamang ay hindi siya nagpatinag upang hindi niya maicelebrate ang kanyang birthday.  Sa isang Facebook post ay naibahagi ni Trixie Ann Eras Manuel ang larawan ng isang lalaking nasa isang fastfood chain at nagdiriwang ng kanyang kaarawan na mag-isa. Ani Manuel ay nalungkot raw siya sa kanyang nakita dahil itong kasama para maicelebrate ang kanyang espesyal na araw. Caption niya sa kanyang post, Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel/ Facebook "Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko. Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi! Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika 69 taon ng mag-isa at walang kasama." Mak

Proud na Kasambahay noon, Nakapagtapos ng Cum Laude at Nakamit ang Pangarap Dahil sa Sipag at Tiyaga

Image
Sa realidad ng buhay, kadalasan ang tingin ng ibang tao sa pagiging isang kasambahay o katulong ay isang napakaliit at hindi marangal na trabaho sapagkat kakarampot lamang ang pasahod. Kaya naman imbes na tratuhin natin ng patas ang ibang mga kasambahay o househelpers ay tila ba parang sila ay mas minamaliit dahil lamang sa kanilang trabaho. Subalit para sa isang lalaking ito, ni minsan ay hindi niya naisip na ikahiya ang pagiging isang kasambahay dahil alam niyang marangal na trabaho ito lalo na at naranasan niyang mamasukan bilang isang katulong upang matulungan maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Kinilala ang netizen na ito na si Jarel Tadio na isang estudyante mula sa Tuguegarao, Cagayan. Bukod sa pagiging isang estudyante ay proud kasambahay din si Jarel sapagkat ito ang nagbigay daan upang makamit ang kaniyang mga pangarap ngayon. Bata pa lamang kasi si Jarel ay mulat na ito sa hirap ng buhay sapagkat mahirap lamang ang kaniyang mga magulang. Kaya naman simula noo

Guro Kinaaliwan Ang Sagot Sa Kanyang Estudyante, "Wait, Lang Ikakasal Lang Si Mam"

Image
  Photo credit: Irish Jeanne/ Facebook Tumatayong mga pangalawang magulang sa paaralan ang mga guro dahil tumutulong sila sa pag-gabay sa pag-aaral ng mga bata. Gayunpaman, mayroon rin silang personal na buhay na dapat rin nilang pagtuonan ng pansin. Kinaaliwan sa social media ang reply ng isang guro sa kanyang estudyanteng may tinatanong gamit ang chat. Ibinahagi ng gurong si Irish Jeanne ang screenshot ng pag-uusap nila ng isa sa kanyang estudyanteng nagtatanong tungkol sa kanyang papel. Tanong ng bata, "Maam saan niyo po nakuha yung papel ko na nachekan nyo po kase po mam wala daw yung ibang sub eh magkakasama po yan ih." Photo credit: Irish Jeanne/ Facebook Imbes na pabayaan o hindi muna replyan ng guro ang kanyang estudyante ay minarapat niyang sabihin na ikakasal muna siya noong oras na iyon. Ani Irish, "Wait lang Larah, ikakasal lang si maam. Replyan kita later." Dahil hindi naman siguro alam ng estudyante na kasal pala ng kanilang teacher noong

Mabait Na Rider, Tinulungang Maibenta Ang Mga Nilalakong Walis Ng Isang Matanda

Image
  Photo credit: Benedict Jade Duran/ Facebook Sa panahon ngayon, dapat ay tayo ay nagtutulungan lalo na kung nakikita na nating harap-harapan na nahihirapan ang ating kapwa. Isang blessing ang nangyaring pagsasalubong ng isang rider at ng isang matandang lalaki na naglalako ng mga panindang walis sa may San Jose de Monte, Bulacan.  Kwento ng rider na si Benedict Jade Duran, habang nagmamaneho siya papuntang SM Fairview ay nakita niya ang isang lolo na bitbit ang mga walis tambo na mahaba. Noong una raw ay nilampasan niya ito ngunit tiningnan niya ulit ito sa salamin ng kanyang motor.  Makikita na pasan-pasan ng matanda ang mga mahahabang walis habang may dalang tungkod. Photo credit: Benedict Jade Duran/ Facebook Habang nakahinto ay nagdadalawang isip pa siya kung babalikan niya ito dahil aniya ay may rush order siya noong oras na iyon. Ngunit dali dali siyang bumalik para tanungin ang matanda.  Nang tanungin niya kung magkakano ba ang mga walis ay sinabi na tig Php180.  Ang s

From 2 Subscribe to 200k: Batang Napabalita Noon Na Nagdiwang Dahil Sa Pagkakaroon Ng 2 Subscribers, Ngayon Ay Mayroong Ng 200k Subs

Image
Photo from: Mary Grace Escober/ Facebook, Youtube Madalas na ipinagdiriwang ng mga Youtubers ang kanilang milestones sa kanilang channel. Sa tuwing dumarami ang kanilang mga subscribers ay naging tradisyon na nila ito na icelebrate. Napabalita noon ang isang batang aspiring Youtube vlogger na kung saan ipinagdiwang niya ang pagkakaroon lamang ng dalawang subscribers. Nakilala ang bata bilang si Mary Grace Escober. Kahit na dalawa pa lamang ang nakapag-subscribe sa kanyang Youtube channel noon ay ipinagdiwang pa rin niya ito at saka niya ibinahagi sa kanyang Facebook account. Makikita na mayroon pa siyang cupcake na mayroong nasakulat na '2 subs' saka niya nilagyan ito ng posporo na ginagawa niyang parang kandila. Maraming netizens ang humanga sa pagiging humble ni Escober at sa pagpapasalamat niya sa biyaya kahit na pa ito ay malaki o maliit. Sa kanyang mga unang vlog ay nagpasalamat siya sa mga nagsubscribe sa kanya. Photo from: Mary Grace Escober/ Facebook Aniya, &q

Hingi Makahinga, Pawis Na Pawis: Concerned Netizen, Sinaklolohan Ang Isang Lolang Iniwan Sa Loob Ng Sasakyan

Image
  Photo credit: Grace Samillano-Lacusong/ Facebook Sadyang mapanganib ang mag-iwan ng tao sa loob ng sasakyan lalo na pa't kung hindi ito umaandar at sarado ang mga bintana. Bukod sa umiinit ang loob ng sasakyan kapag nakaparada ay kumokonti rin ang hangin nito sa loob. Kung kaya't kapag mayroon mang taong naiwan sa loob nito ay tiyak na masu-suffocate o mahihirapang makahinga. Naibahagi ng concerned netizen na si Grace Samillano-Lacusong sa kanyang Facebook account ang isang lola kanyang sinaklolohan dahil sa labis niyang ikinabahala ang kalagayan. Naiwan kasi ang matanda sa loob ng sasakyan habang ito ay nakaparada sa isang pamilihan sa Alabang. Aniya na nakaparada siya sa tabi ng sasakyan kung saan nakasakay ang matanda at nakita niyang nagpupumilit lumabas ito sa  itim na SUV dahil hindi na raw ito makahinga ng maayos. Nagmamakaawa na rin daw siya na palabasin.  Photo credit: Grace Samillano-Lacusong/ Facebook Tinawag niya ang atensyon ng mga guwardya doon at pinap

Online Seller Ibinahagi Ang Kanyang Success Story Sa Pagnenegosyo At Hinimok Na Subukan Ang Negosyo Challenge

Image
  Photo credits: CFO PESO SENSE/ Facebook Isa sa mga patok na paraan ngayon ng pagbebenta ay ang online selling. Dahil karamihan ay hi-tech na lahat ang mga gadgets, isang pindot na lang sa iyong cellphone ay mabibili mo na ang iyong gusto at hindi na pa kailangan pang pumunta sa pamilihan o sa mall. Mas madali rin kasi ang paraan na ito ng pagbebenta dahil mas malawak ang iyong market. Mas maraming tao ang nakakakita ng iyong mga binebenta dahil sa tulong ng social media.  Isang online seller ang nagbahagi ng kanyang success story sa isang Facebook page na CFO Peso Sense. Aniya na nais niyang ichallenge o ipauso ang 'negosyo challenge' na kung saan ang mga nag-iipon ay dito gamitin ang kanilang naipong pera upang makapagsimula ng maliit na negosyo at para lalo pa itong lumago. Photo credits: CFO PESO SENSE/ Facebook Kwento niya na noon raw taong 2017 ay nagsimula lamang siyang mamuhunan sa halagang Php5, 000 upang makapag benta ng mga RTW sa online. Ginamit raw niya a