Ama, Inofferan Ng Php10,000 Ang Kanyang Anak Kapag Nagawa Nitong Magpapayat Sa Loob Ng 5 Buwan

Photo Credit: Jeric Paulo De Jesus/ Facebook

Isa na yata sa mga pinakamahirap gawin ang magpapayat. Bukod kasi sa mga masasarap na pagkain ay ang pakiramdam na napakasarap talagang kumain. Tuwing bagong taon, marami ang mga gumagawa ng kanilang mga new year's resolution at kasama na rito ang pagbabawas ng timbang.

Para sa ilan, ito ay kanilang nagagawa ngunit pero sa iba ay hindi nila ito natutupad lalo na't kung nawawalan sila ng motibasyon. Kaya naman ang isang ama na ito ay nakaisip ng wais na paraan upang maengganyong magbawas ng timbang ang kanyang anak.

Ang netizen na si Jeric Paulo De Jesus ay nagbigay ng agreement sa kanyang anak na si Jelaine Paola. Sa isang Facebook post, caption ni Jeric,

"See you in 5 months baboom
Mapapasayo kaya ang 10k??
Abangan!!!"



Photo Credit: Jeric Paulo De Jesus/ Facebook



Sa kanilang ginawang kasulatan ay nakalagay na bibigyan raw ni Jeric si Jelaine ng sampung libong piso kung nagawa nitong makapagpapayat sa loob ng 5 buwan. Ang kasalukuyang timbang ni Jelaine ay 69 kilos at ang target nitong timbang ay 50 kilos.

Nagkapirmahan rin ang mag-ama sa ginawang kasulatan at mayroon pa silang naging witness upang maging patunay na kapag nagawa ni Jelaine na bumaba ang kanyang timbang ay tiyak na mayroon itong makukuhang pera.

Kung iisipin ay parang napakahirap nitong gawin dahil ang laki ng timbang na kailangan niyang mabawas. Pero kung may kapalit naman na pera ang kanyang pagpapapayat ay mas nakakaengganyo nga naman itong subukan. At mas lalo pa itong makakatulong upang magkaroon ng fit at healthy body.




Ang post na ito ay nagviral at ang komento ng mga netizens, 'Sana all' daw para ganahang magpapayat. Ang ilan sa kanilang mga kaibigan at mayroon din iba pang mga netizens na pabirong nagtanong kung pwede raw ba silang sumali sa challenge na ito.

Kakayanin kaya ni Jelaine ang challenge na ito? Para sa halagang sampung libong piso, kaya mo rin bang magpapayat?

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!