Aso Na Marunong Mangutang Ng Isaw At Barbecue Sa Ihawan, Kinaaliwan

Photo credits: Dante Jimenez/ Facebook

  Labis na ikinatuwa ng mga netizens ang isang aso na ito na marunong ng mangutang ng isaw at barbecue sa isang ihawan.

Kwento ng amo na si Dante Jimenez, ang aso raw nilang si Blu na isang aspin ay alam ng umorder ng kanyang paboritong ihaw-ihaw kapag ito ay nakalabas ng bahay. At saka ipapabayad na lamang ito sa kanyang amo.

Ayon kay Jimenez, ang may-ari ng ihawan ay magse-send na lamang ng mga pictures ng inorder ng kanilang aso para kanila naman itong bayaran.

Photo credits: Dante Jimenez/ Facebook


Aniya, "Pag nakalabas ng bahay, deretcho sa ihaw- ihaw mangungutang ng barbeque, hindi aalis pag di binigyan, pipicturan ng nag-iihaw at i-sesend sa amin. Ayun lagi may utang 20 pesos na barbeque."

Nabahagi ni Jimenez na ginagawa raw ito ni Blu tuwing hapon sa loob ng higit dalawang taon. At maaaring kaya natuto itong magpunta sa ihawan ay dahil sa kanyang asawa na bumibili doon.

"Minsan po di napansin ng misis ko na sumama sa kanya na bumili ng barbeque, tapos binigyan niya, ayon hanggang sa natutunan na niya pumunta sa ihaw-ihaw."

Dahil nakilala na ang aso na parating nandoon ay nasanay na rin ang mga nag-iihaw sa kanya.

Photo credits: Dante Jimenez/ Facebook


Aniya, "Kaya ginagawa ng nag-iihaw, pi-picturan siya tapos i-sesend sa amin kasi ayaw umalis kaya sabi namin, sige ihawan niyo na lang at babayaran na lang namin, aba'y nasanay na po."

Natuwa naman ang mga netizens tungkol dito. Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento.

"Nakakatuwa naman galing mangutang hahaha."

"At least hindi po siya nang-aagaw, nakaupo lang. Nice dog."

"Yung di ka lalabas ng bahay para di gumastos, pero ung alaga mo has other plans."

"Hahaha food trip ka beh ah. Palibhasa may tagabayad."

"Magaling, madiskarte, hinding hindi talaga ito magugutom."

Photo credits: Dante Jimenez/ Facebook

May isang nakapagbahagi naman ng kanyang aso at sabi,

"Yung aso ko pag ayaw lumabas ng bahay, ginagawa ko e shake ko lang yung barya sa kamay ko di kaya sa coin purse ko pag tumunog walang daming salita takbo kaagad akala niya kasi pupunta na naman kami ng tindahan."

Nakakatuwa naman ang mga alagang ito!

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!